- RAEKO-
Ngayong gabi na pala kami mag uumpisa sa trabaho. Sana maging maayos naman ang lahat. Nga pala umalis si Ross para mag inquire dun sa school na lilipatan nya. Kaya na daw nya mag isa yun.
Ako naman ngayon ay tumitingin ng pwede kong isuot mamaya.. kahit ano lang naman sabi ni beb dahil may uniform naman na para sa amin. Nasa kaibigan nya daw na si Daffodil, siya din un supervisor namin sa bar.
"Beb, ayos ka na ba?" tanong ni Raakel na galing sa kwarto nya.
"Ah, oo beb ayos na." Etong pants na white saka three fourths na pink ko na lang yun isusuot ko mamaya. 3pm palang naman kaya may oras pa para makapagluto ng makakaen ng kapatid ko para sa hapunan.
---
"Beb, naka gayak ka na ba? Andito na si Ross kakarating lang." katok nito sa labas.
"Oo, sandali nalang itinitirintas ko lang yung buhok ko para hindi messy tignan. Susunod na ko!"
"Oki doki !! hurry up eggzoited na ko pumasok balita ko fafable daw yung magiging boss na'tin.. not just one, not just two but three gorgeously hot bosses! yiee baka isa na sa kanila ang hinihintay ko!" nangangarap at kinikilig na litanya ni beb sa labas.
"Oo na tsupi ka na dyan istorbo you ha!" kunwa'y asar na pagpapalayas ko sa kanya..
Pagkatapos ko ayusan ang sarili ko ng simpleng lipstick at pulbo ay lumabas nako ..Nandun na nga nakahilata si Ross.
"Bunso, mag merienda ka muna bago ka humilata dyan sa sofa. May niluto na din akong hapunan mo naka takip sa mesa iinit mo nalang mamaya ha. Mag lock ka ng pinto at wag na wag kang lalabas please lang. May sarili na kaming susi ni Ate Raakel mo, kaya kahit makatulog ka na okey lang. Mag iingat ka dito ok.. madaling araw na kami makaka uwe nyan." mahabang bilin ko sa kanya habang sya'y walang habas kung sumubo ng kinakain nyang palabok.
Di naman sya gutom nyan no.?! haayy.. anlake na nya.. kahit 18 years old palang sya at kasalukuyang nasa Senior High e umaabot n xa sa 5'9 .. Samantalang ako, 20 na ko pero yun height kong 5'2 pang Junior High lang yata.
---
- ROSS-
Hello po! Ako si Ross Nikollo Forteza 18, Nag-iisang kapatid ni Ate Rae Nikolette Forteza or si Ate Raeko for short. Pwede ring Miss Grumpy kasi lage syang badtrip sakin. Napaka sipag ko daw kase hehehe.
Pero syempre pang asar ko lang yun sa kanya no! Mahal na mahal ko kaya yang ate ko kahit pikon sya lage. Siya nalang ang pamilya ko mula ng mamatay sila Nanay at Tatay kaya sya nalang ang makakapitan ko.
Ni hindi nga kami tinulungan ng mga kamag anak namin e. Kaya di ko na din sya masisisi kung sobrang OA nya magbilin. Akala mo mag aabroad e. Mag lock daw mg pinto parang babae lang, ganun?!
Pero kahit oa sya pag dating sa kaligtasan at kalusugan ko.. okey lang. Alam ko naman ako nalang ang natitira sa kanya kaya naiintindihan ko sya. Ako rin naman, ayaw kong mapahamak sya.
"Opo, Miss grumpy tatandaan ko po ang lahat ng bilin mo. Ikaw din. Kayo ni ate Raakel mag-iingat sa pupuntahan nyo ha. Pag may nambastos senyo gugulpihin ko!" sabay pakita ko sa kanya ng braso ko.
"Waw, puro buto naman yan bunso e. Maawa ka sa katawan mo kapatid." natatawang pang aasar pa nya kaya sinamaan ko nalang sya ng tingin.
"Basta magiingat kayo ate ha." bilin ko pa.
BINABASA MO ANG
The One
Teen FictionHe's my first love. My Present and my Future Love. The One who makes me feel different kind of emotions. The One i only love for the rest of my life. -Raeko Forteza **** Aayusin ko na po ito paunti-unti. ** This is my first story kaya asahan nyo na...