Raeko
Pagka-uwi galing trabaho sa isang kainan sa bayan nakta ko agad si nanay sa kusina..
"Nay,ako na po magluluto na almusal" sabi ko sa kanya nang makita ko sya sa kusinang nag-aayos ng lulutuin para sa agahan."Sigurado ka nak? e halos kakauwi mo lng galing trabaho.. mag pahinga ka nalang muna sa kwarto mo."
"Hindi na Nay, kaya ko na po yan.. kayo nalang muna ang magpahinga d'yan at alam ko namang maaga kayong gumising para mamalengke at maglinis ng bahay" pilit ko sa kanya.
"Hay nako, ikaw talagang bata ka! maipailit mo talaga e no!!" sukong sabi nya at alam nya namang di ko sya titigilan e hehehe mana kasi ako sa kanya.
----
"Nay, Tay kaen na po!!"tawag ko sa kanila pag katapos kong maghain.
"Susunod na kami dyan Riri, gigisingin ko lang ang kapatid mo at naghihilik pa samantalang mulat na ang buong baranggay! Naku talaga yang kapatid mo na yan napaka gala ..umaga na naglalamyerda pa!!"
"Relaks ka lang dyan mahal,ang wrinkles mo naglalabasan na oh!" tawa tawang biro na tatay kay nanay.
'Sana pag dating ng araw ay magkaroon din ako ng asawang katulad ng tatay ko. Isang mapag mahal na asawa at ama. Masipag pa! oha san kapa. Ang swerte ko sa magulang. Lumagapak lang sa kapatid'.
Ikaw na magkaroon ng kapatid na nuknukan ng pasaway!! mapang asar, tamad at feeling gwapong katulad ni Ross ewan ko nalang kung di kayo mastress.
Biruin mo alas dos na ng madaling araw nasa galaan pa kasama barkada nya! Kesyo may birthday daw. Anu yun araw araw may tropa syang nag be-birthday??!! Kung hindi ko lang nag-iisang kapatid to e, itinapon ko na to sa bermuda triangle!! gigil nya si ako ee!!
"Wow!! tocino,tinapa and sinangag for breakfast. Ayos to ahh.. anung meron nay??" speaking of the devil and the devil is here.
Nagising din sa wakas ang hari ng mga batugan.
"Huling almusal mo na daw yan Ross, at ipapatapon ka na nila nanay at tatay sa liblib na lugar. Tignan natin kung makapag lamyerda ka pa!" pang aasar ko sa kanya.
"Takot ako dun grabe.. wala na bang mas kokorni dyan sa joke mo ha miss grumpy?!" hirit ng pasaway na binata sabay irap sa ate nya.
"Luh.. Nay oh si Ross nang iirap! yung totoo .. Rose pangalan mo sa gabi no?!" pang aasar ko sa kanya..huh!! anu akala nya papadaig ako?! nevaaaaahh!! bwahahahahaha!!!
"Tumigil na kayong magkapatid at kumaen na tayo. Mamaya nyan magkapikunan pa kayo, parehas pa kayong tamaan sa akin." kapag kuwan ay birong pananaway samin ni Tatay. Pero wag ka. Seryoso yan. Yieee katakot kaya magalit nyang tatay ko.
"Eto kasing si Miss grumpy e. Ang sunget." nakalabi at nagpapa- paawa effect pa ang pasaway.
"Sorry na bunso, di ka na kasi mabiro eh nagbibiro lang si ate.. ikaw naman kasi nagpapa abot ka ng umaga sa galaan. Napupuyat sa pagaalala sayo sila nanay at tatay."
"Sorry po di na mauulit." maya- maya pa ay sabi nito habang nakayuko. Yan naman ang kagandahan dyan sa kapatid kong yan. Kahit nuknukan ng tamad at kabugukan e marunong magpakumbaba.
BINABASA MO ANG
The One
Teen FictionHe's my first love. My Present and my Future Love. The One who makes me feel different kind of emotions. The One i only love for the rest of my life. -Raeko Forteza **** Aayusin ko na po ito paunti-unti. ** This is my first story kaya asahan nyo na...