Chapter 18
KIA'S POV
"Tara. Hatid na kita sa next class mo." tapos hinawakan ni Andrew ang kamay ko.
Tahimik lang ako. Hinawakan ko lang din ang kamay niya.
"Kikiam, tayo na di, ba?" napatingin ako kay Andrew dahil sa sinabi niya.
"O-oo, bakit mo natanong bigla?" nakalabas na kami sa likod ng HUM building.
"Kasi, hindi ako makapaniwala." tapos hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko.
"A-ako r-rin naman eh." naramdaman ko nalang na medyo uminit ang mukha ko. Hindi kasi ako sanay sa mga ganito. Haha.
"Uhm, did Bry kiss you?" nabigla naman ako sa tanong niya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya.
"S-sorry for asking about it. Malamang nagkikiss kayo, lovers kayo noon eh." sabi niya na nakatingin lang sa dinadaanan namin.
Napatingin naman ako sa paligid namin.
Ang mga estudyante grabe kung makatingin samen.
Sigh.
Nakita ko yung tatlong babaeng nagkulong saken dati, grabe kung makatingin, para na'kong kakainin.
Sigurado nagseselos sila kasi magkaholding hands kami ni Andrew.
Mainggit sila.
Naku! Ang bad ko.
Bahala na nga sila kung ano ang tingin nila saken.
Basta kami na ni Andrew!
"Pwede na rin ba kita e'kiss?" napatingin na naman ulit ako kay Andrew.
"H-ha? A-ano, s-siguro-o? E-ewan." hindi ko kasi alam ano ang dapat na isagot ko. Bakit kasi ganoon pa ang tanong?
Ngumiti lang siya saken tapos naglakad na naman kami.
Nakarating na rin kami sa room ko. Last subject ko na 'to today.
"Sunduin kita mamaya ah?" ngumiti siya saken tapos.
*choop*
Hinalikan niya ako in public!
Sa...
Cheek...
Cheek lang naman pero kahit na!
Halik pa rin 'yon.
Ay ang oa ko lang.
Nakaalis na si Andrew at naupo na'ko sa upuan ko.
Hinihintay ko nalang na dumating ang Prof namin.
Nagbabasa-basa lang ako sa notes ko. Nang ma-bore ako, tumingin ako sa labas.
Bigla kong nakita si Bry...
Dumaan siya sa room ko...
Nakayuko lang siya...
At...
Malungkot?
Siguro dahil hindi na siya mahal ni Audrey.
Bakit ba ginamit pa'ko ni Bry?
Kahit naman papano nagkagusto rin ako sa kanya.
Pero hindi nga lang parehas sa nararamdaman ko kay Andrew.
Sigh.
Dumating na ang Prof namin at nagdiscuss na siya.
Discuss...
BINABASA MO ANG
LOVE'S STATUS
Teen Fiction"Hindi naman kasi talaga siya naglayas," nagulat ako sa sinabi ng kapatid ni Andrew, "Mahal niya si Kia kaya gumawa siya ng paraan para mapalapit sa kanya, at ito lang ang naisip niya; ang magpanggap na naglayas siya at tumira kina Kia kahit na alam...