chapter 13

78 13 3
                                    

AUDREY’S POV

Naglalakad lang ako ngayon mag-isa sa sidewalk. Wala na akong pasok at lumabas na ako ng school campus. Sinabihan ko nalang ang driver ko na itetext ko nalang siya kung magpapasundo na ako.

Gusto ko lang kasi munang maglakad-lakad mag-isa. Gusto kong kalimutan muna yong nakita ko kanina…

Ang scene kung saan magkaholding hands sina Kia at Bry…

Magkaholding hands ang kaibigan ko at ang mahal ko…

Nasasaktan akong makitang ganoon sila…

Kung di lang sana kasi ako nagpadala sa desisyon ni dad noon na hiwalayan ko si Bry dahil sa away nila ng dad ni Bry…

Edi sana, kami pa ngayon..

Edi sana ako ang kasama niya kanina…

At hindi si Kia…

Pero hindi ko rin masisisi si Kia kung sinagot niya si Bry…

Hindi niya rin naman kasi alam na may nakaraan kami ni Bry…

“Miss, mag-isa ka lang ba?” biglang may lumapit saken na lalaki na nagyoyosi.

Natakot ako sa mukha ng lalaki, kasi naman, mukha siyang killer, rapist, addict at ex-convict.

“Aalis na po ako.” Tapos naglakad na ulit ako.

“Miss, wait lang.” tapos hinawakan niya ang braso ko…

“Bert… kaibigan ko yan. Ikaw talaga.” Tapos nakita kong hinampas sa braso ang lalaking humawak sa braso ko ng lalaking naka uniform.

“K-Kevin?” si Kevin? Ang kaibigan ni Kia?

“Ako nga Audrey.” Tapos ngumiti siya saken.

“Swerte mo Kebs ahh, maganda ang kaibigan mo.” Tapos binitiwan na ako noong lalaki, “Miss, sorry ah? Kung alam ko lang na kaibigan mo pala ang ex-convict, killer, adik at rapist na si Kevin, hindi sana kita binastos.” Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko.

“Kriminal ka? Ilang babae na ang nagahasa mo? Ilang tao na ang napatay mo? Ilang kilos na ng shabu ang nasinghot mo? Ilang taon kang nakulong? Ha?” sabi k o kay Kevin ng dere-deretso. Natakot kasi ako eh, baka naman kasi totoo ang sinabi ng lalaki.

Di ba kung anong klaseng kaibigan meron ka, ganoon ka rin?

Waaaaaaaaaaaaaah! Isa siyang killer, addict rapist at ex-convict... T__________T

“Uy Audrey, anong kala mo saken? Ganyang klaseng lalaki? Tss, marangal ako no. Kung ganoon ako, edi sana ginahasa na kita noong pumunta ka sa bahay ko.” tapos umalis na si Kevin.

Iniwan niya ako kasama ang lalaking nambastos saken.

Nagalit ba si Kevin dahil sa sinabi ko?

Teka, baka nagjojoke lang ang lalaking to na isang masamang tao si Kevin?

Because Kevin doesn’t look like a bad person; he’s actually funny and nice.

I run after him at nang maabutan ko siya hinawakan ko ang braso niya. Huminto naman siya sa paglalakad.

“I’m sorry if I believed in him. Im very very sorry.” Sabi ko sa kanya nang magkaharap na kami.

“Apology accepted.” Tapos naglakad na naman siya.

“Wait lang!”

Huminto naman siya sa paglalakad.

“Ano yun?” tanong niya nang humarap ulit siya saken.

LOVE'S STATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon