chapter-14

65 8 7
                                    

KIA’S POV

Dinala ako ni Bry sa isang restaurant.

“You like the food?” tanong niya saken habang kumakain kami ng Almas Iranian Caviar.

Hindi ko talaga ma explain ang lasa ng pagkaing to. Mas gusto ko pa yung pagkaing simple lang.

“Ayos naman.” I tried to smile at him at kumain na naman ako ng paunti-unti.

“Thanks for coming Drew.” Narinig kong sabi ng isang babae na nasa di kalayuan ng table namin ni Bry.

Lumingon ako doon sa nagsalita at nakita ko ang isang babaeng matangkad, maganda, maputi, pero yung porma niya hindi pang maarte. Simple lang ang damit niya at medyo may pagka boyish type pa ang suot niya; jeans at jersey shirt then naka tennis shoes.

Kasama ng babaeng ‘yon…

Si Andrew??

“I told you Lourie, just call me and I will come immediately.” Tapos ngumiti si Andrew sa kanya. Yong klase ng ngiti na hindi niya na mabigay saken ngayon.

Sino ang kasama niya??

Sino ang babaeng yan??

Kaanu-ano niya ang babaeng yan??

Bakit sila magkasama??

Bakit ako nakaramdam ng lungkot sa nakikita ko??

Gusto kong lapitan si Andrew at tanungin siya pero…

May karapatan nga ba akong magtanong??

WALA…

“Hello Ma?” napatingin naman ako kay Bry nang bigla siyang magsalita. Kausap niya ata ang mama niya sa phone.

Matapos nilang mag-usap, tumingin si Bry saken.

“Ihahatid na kita sa inyo, I have to go home. Mom wants me to go home for some important matters.” Sabi niya na halatang nagmamadali siya.

“Naku. Wag mo na akong ihatid. Sasakay nalang ako.” Sabi ko at tumayo na.

Tumayo na rin siya at naglakad na kami palabas ng restaurant.

“Pero kailangan kitang ihatid. I insist Kia.” Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta na kami sa parking lot.

Tahimik lang kami sa buong byahe. Seryosong seryoso kasi si Bry sa pagmamaneho. Nakarating na kami sa kanto at bago ako bumaba hinalikan niya muna ako sa pisngi at nagpaalam na siya.

Umandar na ang kotse niya at naiwan akong nakatayo mag-isa sa kanto.

Tiningnan ko ang wrist watch ko na mumurahin lang naman.

“9:00 pm pa naman pala.” Naglakad muna ako papunta sa park. Ayoko pang umuwi.

Nalulungkot pa rin kasi ako sa nakita ko kanina.

Sino kaya ang babaeng ‘yon?

Lourie ang name.

Baka kaibigan niya lang yon?

Tama…

Kaibigan lang yon ni Andrew.

Argh!!!

Bakit ba ako ganito?

Nagseselos ba ako?

Anubayan!

May boyfriend na nga ako pero bakit si Andrew ang iniisip ko?

Sigh…

Umupo na ako sa bench; ang bench kung saan ko nakitang nakaupo dati si Andrew na nagpapaulan at nakiusap saken na ampunin ko siya.

LOVE'S STATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon