chapter 10

101 13 8
                                    

KIA’S POV

“Andrew! Ano na naman ang ginagawa mo?” nilapitan ko si Andrew na nagluluto ng…

“Nagluluto ako ng noodles.” Sabi niya na hindi nakatingin saken.

“Ako na jan. Baka mapalpak na naman yang niluluto mo.”

Nilagay niya sa mesa ang bowl na lalagyan niya sana ng noodles. Tapos tumalikod na siya saken.

“Sige.” Yon lang ang sinabi niya tapos pumasok na ng kwarto.

Naninibago ako ngayon kay Andrew; tahimik na siya simula pa kahapon…

Di ko na siya nakakausap na walang halong kulitan…

Hindi na siya halos tumitingin saken…

Hindi na siya halos namamansin at ngumingiti saken sa school…

Ginagawa niya ba ‘to para di na ‘ko malito sa nararamdaman kokay Bry?

“Ate, penge naman ng pera.” Humihingal pa si Lancer nang makarating siya sa bahay.

“Lando, wala na tayong pera.” Nilagay ko na ang noodles sa bowl.

“Sige na ate, please?” tapos nagpa cute pa ang kapatid ko.

Hahay!

Matatanggihan ko ba naman si Lancer?

“Oh, heto.” Kinuha ko ang wallet ko at binigyan siya ng pera.

Hanggang ngayon hindi pa rin nagpapadala ng pera sila nanay at tatay. Paubos na ang pera na iniwan nila samen. Sana, mabenta ko na ang mga alaga namen. Hahay!

Pumunta nalang ako sa likod ng bahay. Nakatingin lang ako sa langit. Medyo madilim na rin ang kalangitan. Gagabi na naman.

Sigh…

Kumusta na kaya sina nanay at tatay?

“May problema?” narinig ko ang boses na yon mula sa likod ko.

Tumingin ako kay Andrew. Seryoso lang ang mukha niya, nakasandal lang siya sa may pintuan.

“W-wala naman.” Tapos ngumiti ako ng pilit tapos tumalikod na naman sa kanya.

“Sabihin mo na.” seryoso pa rin ang boses niya.

Anobato? Bakit parang nakakainis? Hindi ako sanay na seryoso si Andrew saken kung makipag-usap. Gusto kong sabihin sa kanya na paubos na ang pera namen, pero hindi ko magawa.

Nakakainis naman…

“Kia…” tapos bumuntong hininga siya, “sabihin mo na saken.”

Hindi pa rin ako umiimik. May dapat ba akong sabihin? Dapat ko bang sabihin sa kanya ang problema namen sa pera?

Narinig ko nalang na naglakad na si Andrew…

Papalayo saken…

Lumabas siya ng bahay…

Lumingon ako sa likod ko at…

Wala na nga si Andrew…

Iniwan niya ako ditto sa bahay…

Bakit ganito???

Bakit ako nasasaktan???

Bakit disappointed ako sa ginawa ni Andrew???

Napaiyak nalang tuloy ako…

Hindi ko na alam kung bakit ako nagkakaganito. Ang hirap. Mahirap tumira sa iisang bahay kasama ang taong dahilan kung bakit ka nasasaktan ng hindi mo alam.

LOVE'S STATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon