chapter 9

101 13 6
                                    

(Bibida naman si Kevin dito na Chappy ^_________^ enjoy!!)

KEVIN’S POV

Unat unat ng mga braso habang naglalakad ako pauwi ng bahay. Natapos na rin ang pasok ko. Nakakapagod mag-aral pero kailangan ko pa rin mag-aral.

“Miss, ano pangalan mo?” narinig kong tanong ni Tido, isa sa mga tambay ditto samen.

Napansin kong may babaeng nakatayo sa tapat ng tindahan na tinatambayan ng mga tambay.

Maputi ang babae; halatang pangmayaman ang balat. May eyeglasses siya but I find it cute. Sakto lang ang tangkad niya at maganda katawan niya kahit hindi masyadong fit ang uniform niya. Ang uniform niyang suot ay ang uniform na gaya kay Kia. Kaibigan kaya siya ni Kia?

Halatang hindi siya sigurado kung papasok pa ba siya sa eskeneta namen o hindi na.

“Miss, halika na ditto. Hindi kami busy, sama ka samen ditto.” Sabi naman ni Garry na isa rin sa mga tambay.

Haynaku! Mga lalaking ‘to talaga, may Makita lang na babae na hindi taga rito nilalandi na agad.

“Donesa? Ikaw ba yan? Naku pasensya na talaga kung di kita nakilala agad.” Bigla akong lumapit sa babaeng ‘yon at ngumiti ako sa kanya.

Sorry, pero wala akong ibang alam na pwedeng ipangalan sa kanya. Gusto ko lang siya mapalayo sa mga tambay, at pakiramdam ko kasi kaibigan siya ni Kia.

Nang mapalapit na ako sa babaeng may eyeglasses, nakita ko ang mukha niya na halatang nagugulat. Halos di pa nga siya makapagsalita.

Nag make-face ako sa kanya na nagsasabing ‘sumakay ka’. Naintindihan niya naman ata ang ibig kong sabihin kaya ngumiti siya ng pilit saken.

“Uy, b-buti naman at nakita kita. Kanina pa kita h-hinihintay.” Tapos ngumiti na naman siya ng pilit.

“Tara, bigay ko nalang sayo yung hinihiram mong notes saken.” Tapos kinuha ko ang mga librong dala niya kunyari tapos naglakad na kami papunta sa bahay ko.

Di na rin naman nangialam ang mga tambay samen. Ganyan talaga sila; pag di ka kilala, guguluhin ka at lalandiin. Pero pag nalaman nilang kilala ka ng isa sa mga taga rito, rerespetuhin ka na.

“Dito ako nakatira.” Sabi ko sa kanya nang makapasok na kami sa loob ng bahay namen. Nilagay ko na rin ang mga libro niya sa mesa na nasa gilid lang ng pinto namen.

“Aso mo?” nakangiting sabi ni Miss eyeglasses nang Makita niya si Yolanda.

“Aw aw…” salubong ni Yolanda samen nang makapasok kami.

“Naku, hindi yan akin. Sa kaibigan ko yan, pero close ko na rin ang asong ‘yan kaya ditto na siya halos tumitira.”

“Ahh.” Tapos umupo siya na parang natatae tapos lumapit si Yolanda sa kanya, “Ang cute mo. Ano pangalan mo?” halata sa mukha niya na masaya siya.

“Yolanda pangalan niya.” Ako nalang ang sumagot sa tanong niya. Aso, magsasalita? Haha!

“Haha, parang ang bagyo lang?”

(A/N: Nasabit si Yolanda ditto kasi isa ako sa mga biktima ni Yolanda… tapos nasimulan ko ang story na ‘to after ng Yolanda. Hehe, pasensya na po sa singit.)

“Ano pala ang pangalan mo?” tanong ko sa kanya nang maalala ko na di ko pala siya kilala.

“Oo nga pala,” tapos tumayo siya, “I’m Audrey, I’m not Donesa. Ang layo naman ng pangalan ko sa sinabi mo kanina. Pero salamat sa ginawa mo ah? Natatakot na talaga ako kanina eh.” Tapos inayos niya ang uniform niya.

LOVE'S STATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon