EPILOGUE

68 4 0
                                    

EPILOGUE

KIA’S POV

“The operation is successful guys!” tumatalon-talon pa si Lourie habang papalapit siya samen ni Andrew, Audrey at Bentoot.

Niyakap namin siya nang makalapit na siya samen.

“That’s very good news.” Sabi ni Audrey na halatang masaya siya para kay Lourie.

“Pagkagising niya, ano ang gagawin mo?” tanong ni Andrew sa kanya.

“I’m gonna kiss him!” sabi niya na puno ng saya ang mukha.

Nagtawanan lang kaming lahat.

Maghihintay nalang kami ng ilang oras para magising si Chris.

********

KIA’S POV

Naging successful ang operation at ngayon buhay na buhay si Chris dahil sa puso ni Bry.

Si Bry naman buhay na buhay pa rin dahil sa katawan ni Chris.

Masaya kami para kina Lourie at Chris.

They are a couple now.

Mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Who would have thought na magiging close namin sila?

Si Lourie tumigil na sa pagsali sa drag race, pinagbabawalan na kasi siya ni Chris.

And it’s good to hear that she stopped.

Love could really change a person.

It’s just so powerful!

Andrew and I are still a couple. 3 months na rin kaming magkasintahan.

Getting stronger ang relationship namin.

Makulit pa rin siya, masungit minsan, baliw din minsan.

Minsan naman sweet and creepy.

Pero hindi ko pinagsisihan na minahal ko ang isang kalabaw na gaya niya.

He’s rich but he never let me feel that he’s rich and I’m poor.

I never felt from him that we differ in status in life.

And that’s the best thing about him.

We are still continuing our studies and everyone in school knows about us already.

Wala namang nananakit saken kasi lagot sila sa masamang damo. Haha!

ANDREW’S POV

When you reach the age of 17, you will meet your soulmate daw. Yan ang sabi ng Reader’s Digest.

Siguro nga totoo?

Kasi ngayong 17 ako nakilala ko si Kia at naging kami.

And wala na’kong ibang babaeng gustong mahalin habangbuhay kundi siya lang.

Wala na’kong gustong pakasalan kundi siya lang.

Simula pa lang noong bata ako si Kikiam na ang gusto kong pakasalan kapag lumaki ako.

Siya kasi ang dahilan kung bakit nag-iba ang pagtingin ko sa mga mahihirap.

Siya ang dahilan kung bakit nagawa kong tumira sa buhay na kailan man ay hindi ko pinangarap.

Natutunan ko kung paano maghugas ng mga pinagkainan.

Natutunan ko kung paano kumain na puro dahon ang ulam, minsan feeling ko isa na akong kambing o kabayo o kalabaw.

LOVE'S STATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon