chapter 6

129 21 14
                                    

CHAPTER 6

KIA’S POV

“Dik-Dik tsaka Oink-Oink, alam nyo bang masayang-masaya ako?” sabi ko doon sa dalawang alagang baboy namin. Lumapit na naman ako doon sa mga nakataling native na manok namin, “alam nyo ba mga Toktok at Tiktik, ang saya ko talaga!”

FLASBACK…

“Anong ginagawa mo ditto?” tanong ni Bry saken.

“Uhmm ano, nagbabakasakaling andito ka din.” Ahaha, akala nya siya lang marunong?

Bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko…

Waaaaaaaaaah! Dug dug… dug dug…

Aba! Di lang pala kay Andrew gumaganito ang heart ko?

“Would you mind?” tanong niya saken habang nakatingin sa kamay naming dalawa.

“H-ha? Ahm, a-ano… I-I w-won’t.” sabi ko then I look down. Feeling ko talaga namumula na’ko!!!

Ganoon lang kaming dalawa for almost 30minutes. Kahit di kami nag-uusap, sobrang saya ko na. waaaaaaaaah! Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya. @___@ nakakahilo! Ehehe, joke lang! kilig lang talaga ako.

“Gumagabi na. I have to go.” Binitiwan niya ang kamay ko tapos tumayo.

Napatingin naman ako sa kanya at saka tumayo na rin ako.

“Oo nga eh. Kailangan ko na rin atang umuwi. Marami pa’kong gagawin.”

“Magkita nalang tayo on Monday?” he said then he flashed a smile at me. ehehe, ay ang gwapo talaga ni Bry!! Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan, and he looks a little bit familiar.

“Ah sige. See you in school.” tatalikod na sana ako pero bago ko pa yun magawa, hinalikan niya’ko sa left cheek ko.

“See yah!” at ayon, naglakad na siya.

Nakatayo lang ako doon sa park habang nakatulala. Waaaaaaaaah! He kissed me on my cheek!! Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Feeling ko andoon pa rin ang lips na lumapat sa pisngi ko!! kyaaaaaaaaaaaaaaah!!! Bry!!! Pag nanligaw ka saken, sasagutin talaga kita! Promise!

END OF FLASHBACK…

“Anong nginingiti-ngiti mo jan?” bigla naman akong nakabalik sa mundo nang marinig ko ang boses na yon.

“Kalabaw!” napayakap tuloy ako kay Andrew kasi kinikilig pa rin ako. Ehehe!

“Bitiwan mo nga ako. Ambaho mo! Amoy feeds ka!” bumitaw naman ako sa pagyakap sa kanya tapos nakangiti akong pumasok sa bahay.

“Hoy Kia! Bakit k aba masaya jan ha?” sumunod naman ang kalabaw saken.

“Ehehe. Basta lang.” dumeretso na’ko sa kusina at naghugas nan g kamay.

“Bakit nga kasi?” pangungulit naman ni kalabaw saken.

“Sige na nga.” At ayon kinwento ko sa kanya ang nangyari sa park.

“Sus! Yan lang pala. Kain na nga tayo.” Umupo na siya sa mesa at nagsimula nang kumain.

“Hoy! Bakit mukha ka diyang nalugi?” kasi naman ang mukha niya, nakasimangot.

“Wala!” tapos kumain na naman siya.

“Ano ba tong niluto mo?” napatingin naman ako sa ulam namin.

“Pritong itlog tsaka pancit canton!” di pa rin siya tumitingin saken.

Pritong itlog ba ‘to? Bakit sunog? Asan ang egg yolk nito? Bakit nawala? T__T at bakit ang pancit canton niya may tubig pa? tapos overcooked pa!

LOVE'S STATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon