Third Page- Gangster stalker

84 3 0
                                    

"Sabihin mo babalik ulit siya!",

"Sabihin mo babalik ulit siya!"

"Sabihin mo babalik ulit siya!",

Yan ang gumugulo sa isip ko pagkadating na pagkadating ko sa bahay. Paano ko siya mapapabalik? Sigurado namang ayaw na nun bumalik! Pero don't be negative EMO! Think possitive, isa kang boss. At ipakita mo ang pagiging boss ay hindi.... Ang pagiging BHOXZ! Pero paano?

"Ampon!", sigaw ni mama, agad na naman akong bumaba.

"Ho?",

"Oh!", biglang may inabot sakin na pera si nanay. "Ibili mo ulit ako ng gin!",

"Saan niyo po nakuha t'ong pera?",

"Hindi na yun importante! Basta, bilisan mo!! Ibili mo na ako ng gin!!!",

"Eto na nga po!", saka ako tumakbo.

Haysssstttt...... Nakakairita, alas onse na kaya ng gabi! Tapos mag gi-gin pa siya! Naku naku naku! Papunta pa lang ako sa tindahan, parang pinipigilan na ako ng tadhana ang lakas ng hangin, kahit palda ko, tumataas, kahit bangs ko!

"Ano ba yan!", sabi ko habang hinahawi ang bangs ko.

"Pst! Ganda!", may sumigaw ng pangalan ko.

"Huh?", lumingon ako sa taong sumigaw nun, nakasandal siya sa isang maraming sulat na pader.

Lumapit siya sakin hinawakan ang bangs ko at sinilip ang mukha ko.

"Ang ganda mo pala pag wala t'ong bangs na t'o!",

Binabastos ata ako neto eh!

"Walang ya ka!", bigla ko siyang sinipa sa sensitive part ng katawan niya.

"AWwww!!! Oooohhhh!!!!!", sinigaw niya.

Napaluhod siya, tiningnan ko siya ng masama, tumingin din siya sakin.

"Yan ang nababagay sa'yo!", hinawi ko ang buhok ko at nagpatuloy sa pagpunta sa tindahan ni Aling Purak. Buti na lang wala ng katao-tao kundi siguradong pagchi-chismisan ako sa ginawa ko sa gangster na yun.

"Aling Purak gin nga po!",

"Oh! Eto na!", saka binigay sakin ni ALing Purak yung gin.

"Hi! Lola!", biglang may nagsalita sa tabi ko, uy si gangster! WHAT SI GANGSTER????

SUmandal siya sa bilihan...

"Apo! Anong ginagawa mo diyan? Gabing gabi na! pumasok ka na dun sa loob!", sagot ni Aling Purak.

EMO: Ella Marie Oblata (ANG KWENTO NG HINDI Emo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon