Page eight- Affair

52 2 0
                                    

Nag-usap sina Greg at si Big Fafa sa office niya.

"So, what is your name Iha?",tanong ni Big Fafa, habang ako nakikinig sa labas ng pintuan.

"Oh! My name? Im Georgina Sanchez!",babaing babaing boses ni Greg.

"Okay you passed the test! Umpisahan mo na ang pagta-trabaho ngayon na!",

Wow! Di na uso bio-data ngayon? Samantalang ako kung ano-anong kaek-ekan ang pinagtatanong sakin, pinagkamalan pa akong wanted!

Naku.. Palabas na sila! Agad akong bumalik sa pagta-trabaho.

Paglabas-na paglabas ni Greg sa office aba, naglalaway na ang mga lalake sa kaniya! Paano ba naman daig pa niya ako makaporma maganda na nga, coca-cola body pa siya.

 Hindi tulad ni No Name, tutulong lang pag may kapalit!

Pagkatapos naming magtrabaho, agad siyang nagpalit ng damit at pagkalabas na pagkalabas niya sa employee's restroom agad ko siyang niyakap.

"Maraming salamat Greg! I love you! As a friend!", sabi ko sa kaniya.

"Haha.. Anything for you!",

Biglang nakita ko si Big Fafa sa may bintana.

"Greg! Si Big Fafa!", agad na sabi ko kay Greg.

Nasa may employees room pa naman kame at tanging employee lang ang pwedeng pumasok dun at pag nakita niya si Greg..... Hiwa leeg na agad.

Agad kong pintago si greg sa malaki kong locker swerte naman nagkasiya siya dun.

Pagpasok ni Big Fafa,

"A-ummm good evening, Big Fafa!",agad na bungad ko sa'yo.

Kumunot ang noo niya sabay sabing...

"Dati di mo ako sinasabihan ng ganyan ah! Tuwing nakikita mo ako nanlalake ang ilong mo! Anyways... Nasan si baguhansh!?",

Ang ibig niyang sabihin si Greg/Georgina

"Uhhh.... ano, nasa bahay!",

Ano ba yan tuwing kinakabahan pa naman ako natitikom at nabubulol ako.

"Bahay!?",

"St. Mathew!",sabi ko ulit.

Ang ibig kong sabihin hinde... ewan ko kung bakit ko iyon nasabi.

"Huh?", pagatataka nito.

"Funeral!",sabi ko naman.

"Funeral!? St. Mathew Funeral?!!!",

EMO: Ella Marie Oblata (ANG KWENTO NG HINDI Emo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon