The Eleventh Page- George

52 2 0
                                    

"Haha! Ano ba!", sabi ko.

*Pok* BAtok ko kay No NAme.

"Haha! Anong kiss?", humarap ako kay No Name at binigyan ko ito ng killer eyes "Anong. 'KISS'?",

Napalunok siya bigla ng laway.

"Haha.. Oo nga nagjo-joke lang ako! ANo ka ba! Kalimutan mo na yun, sabi nga nila ang katotohanan nagtatago lang pero yung totoo niyan tinatago lang iyon ng may sala!", sagot no No Name.

Piningot ko si No Name.

"Kung ayaw mong masaktan manahimik ka!", bulong ko sa kaniya.

"Sorry na!", bulong naman ni No Name.

"Sa bagay, sino ba naman magkakagusto sa lalakeng walang birth certificate!", sabat ni Mark.

"Hoy! Wala kang alam tungkol saakin!", pikon na sagot ni No Name.

Ano naman ang ibig sabihin niya dun? May tinatago talaga tong lalake na to eh.

"Wala ka ngang birth certificate diba? kaya paano namin malalaman ang tungkol sa'yo!?", sabi ulit ni Mark.

"Oh! Tama na! Awat na! Ikaw talaga Mark!", sabay turo ko kay Mark "Bakit ka ba laging ganyan nung una si Greg tapos..", di na natuloy ang sinabi ko ng biglang sumabat si No Name.

"Greg?!",

"Bakit kilala mo ba siya?", tanong ko.

'Mukhang pamilyar lang yung ... pangalan.", sagot ni No Name.

"Nga pala diba EMO may pasok ka pa?", biglang sabi ni Mark.

TUKNENENG!

"Anong oras na?", bigla kong hinablot ang relo ni MArk. TAKTE! 3:55 ng makapunta ako dito tapos... 4:18 na! 18 mins. n akong late.

10 steps na lang eh... nandun na ako sa resto burger kundi lang dahil sa tatlong lalake, na late pa ako.

Tinakbo ko ang 10 steps na iyon at sa swerteng Friday the 13th na iyan naubatan pa ako ni Big Fafa.

"Ano na namang kalandian ang ginawa mo?", tanong ni Big Fafa.

Ngumiti na lang akong pilit.

"Akala niyo! Isinusumpa ko kayo! Greg, No Name at Mark ilalagay ko kayo sa death note ko!", iyan ang reklamo ko habang naglilinis at naglalampaso ng sahig ng resto burger, tama lampaso talaga dahil nawawala yung map, at dahil 9:00 pm na akong naglilinis nililibang ko na alng ang sarili ko sa pagsumpa sa tatlong lalakeng iyon.

"Hoy! Babaitang malande! Anong kachurvahan ang binubulong mo diyan?", tanong ni Big Fafa.

EMO: Ella Marie Oblata (ANG KWENTO NG HINDI Emo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon