The nineth page- Appologized

39 2 1
                                    

 "EMO ang totoo kase niyan.....",

"Mahal Kita",

"Woaaaaahhhh!!!", agad akong bumangon sa higaan ko.

Nakakatakot na panaginip! Grrr... Sayang di ko nakita ang pagmumukha nung lalakeng nakatalikod! SIno kaya siya? Dapat pala bago man lang ako gumising, pinaharap ko muna siya sabay suntok sa mukha niya! *o*

"AMPON!!", okay, ang haphap ko na namang Nanay.

Alam ko na ang sasabihin niya..

"Ibili mo ako ng Gin!",

-_-

Eto na si uto-utong bata bibili ng gin galing sa ipon niya.

Kakagising ko pa nga lang ayan na naman ang una kong maririnig sa kaniya, ayan na ata ang nagsisilbi kong alarm clock sa araw araw, para siyang rooster na inahin na puputak-putak!

Lumabas ako ng bahay para bumili ng gin kena Aling Purak.

Siya dapat ang una kong makikita paglabas ko.

Dapat nakaupo siya diyan sa harap ni Aling Purak at kakaway sakin.

Oo nga pala di kame bati ;'(

Tanggalin mo muna siya sa isip mo EMO kelangan mo pang bumili ng gin!

Pumunta ako sa tindahan nina Aling Purak habang naglalakad nakatingin ako sa upuan na kahoy na dati naming inuupuan.

"Pabili nga po ng gin!", sigaw ko habang nakatingin pa rin sa upuan.

Marami ngayong tumatakbo sa isip ko.

Bakit kaya galit siya sakin?

Akala ko ba bespren kame tapos mag aaway lang kami ng walang dahilan?

Di kaya may problema siyang hinaharap?

May gf na ba siya?

Nagpakasal na kaya siya?

May na anakan na siya?

May malubha ba siyang karamdaman?

Binisita na kaya siya ni Kamatayan?

Pinoproblema ba niya ang mukha ko?

Ano ba kaseng problema niya?

At ano rin bang pinoproblema ko?

"IHA!", agad nabaling ang tingin ko kay Aling Purak.

EMO: Ella Marie Oblata (ANG KWENTO NG HINDI Emo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon