The Fifth Page- Greg

61 4 0
                                    

7:00 na ng gabi nakabihis na ako lahat lahat ang shonga ko kase sa lahat ngmakakalimutan ko yung oras pa!

Hindi na ako nakatiis lumabas na ako sa bahay para maghintay umupo ako sa isang mahabang upuan sa tindahan ni Aling Puring para maghintay, suot suot ko pa ang panglakad ko na pantalon at ang favorite kong damit, nilalamig na ako sa kahihitay buti na lang walang tao sa labas.

Biglang dumating si No Name,

"Naku naman!!!!!", rinig ko na bulong niya ng makita ako.

"Sige na diretso ka na, di kita uutusan ngayon! May date ako!",

"Weh!?", bigla siyang umupo sa tabi ko sabay sabi, "Alam mo papa-asahin ka lang nun! Ako na nagsasabi sa'yo!",

Tumingin ako sa kaniya ng masama,

"Wag mo siyang igaya sa'yo! Ibili mo nga ako ng tubig!",

"Akala ko ba di mo na ako uutusan?",

"Amo mo ako! Alagad kita! Kaya sumunod ka na!",

Tumingin siya sakin ng masama sabay sabi ng padabog,

"Akin na pera mo!", 

"Ano ka? Libre mo ako!",

"A.....", hihirit pa sana siya ng bigla akong magsalita.....

"Bibili ka hinde?",

"Eto na nga tatayo na oh!", tumayo siya at bumili ng tubig kay Aling Puring.

At nung bibili na siya... Nilabas niya ang kumikinang niyang ISANG LIBO!

"Pabili nga ho Aling Puring, Isa nga pong.....", hindi siya nakapagsalita nung bigla ko siyag unahan,

"Isang RC malaki tapos dalawang piatos!",

Wala siyang nagawa kundi bilhin ang mga sinabi ko kay ALing Puring.

Nung mabili niya na iyon...

"Ang daya mo naman akala ko ba tubig lang!?",

"Pasalamat ka na lang na nilibre pa kita!",

"Eh ikaw nga t'ong nagpalibre eh!", bulong niya

"May sinasabi ka ba!?",

"Wala! Never Mind!", sabay inom niya ng RC

"Meron ka pa lang isang libo eh, bat di mo sinabi agad?",

Bigla niyang naluwa ang RC na iniiinom niya.

"Oh? AYos ka lang may sakit ka ba?",

EMO: Ella Marie Oblata (ANG KWENTO NG HINDI Emo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon