The first page- My Alagads

143 4 6
                                    

Hellow I'm Ella Marie Oblata, but they called me EMO, kase daw yun daw yung 3 first letter ng 3 words ng name ko.

Pero.....

Hindi ko pa din gets eh!

Sometimes they calledme The Grudge. Isa daw yung bida sa isang movie, but I didn't watch any movie eh, ayoko manood abala sa pag-aaral ko. Pero minsan naiisip ko, siguro maganda si the Grudge kase dinescribe nila yun sakin! Echos.

Ano pa kaya... Hmmm.. first time ko lang kase gumawa ng diary eh. Ay Oo nga pala, kelangan idescribe ko yung sarili ko, tahimik ako, walang friends, di mahilig makipag--usap, laging top 1, maputi ako, may bangs pero dun sa left ko natatakpan na ng bangs yung mukha ko, hindi tuloy makita yung buo kong mukha. Minsan sabi nila tanggalin ko daw yung mahaba kong bangs ayoko nga tanging ang bangs na'to ang nagpapa-alala sa papa ko.

"Demonyita!", tawag ako ni mama! Agad akong bumaba mula sa second floor at pagdating ko sa baba tulad ng 'LAGI' kong inaasahan makalat ang bahay at ang mga bote ng alak nakakalat. -_-

"Bakit po!?", tanong ko ng malumanay.

"Hoy! Ikaw talagang demonyita, walang kwenta, hampas lupa, panget, ampon at pabayang babae! Ba't ang tagal mo bumaba!?", sige itawag niyo na sakin ang masasakit na salita na lagi niyong sinasabi sakin. ATsaka mga 5 seconds nga nakababa na ako dito eh! Ano t'o biruan? Saka ako pa ang walang kwenta eh ako nga t'ong nagpapart time job, kahit nag-aaral pa ako sa 4th year college sa Benjamin University, ako ang kumakayod araw araw. Arggghhhh!!! >:{

"Hoy! Wag kang lumihis ng tingin! Ibili mo ako ng gin kela Aling Purak bilis!", ~hay di ko na t'o matiis!

"Ayoko nga! Pinagsisisihan ko na naging nanay kita! Wala kang kwenta, ikaw bumili ng gin mag-isa mo! Mula nung nawala si tatay ganyan ka na! Sana di mo na ako iniluwal! Mula ngayon di mo na ako makikita, dahil aalis na ako! Goodbye!", yan ang nasabi ko....... sa isip ko lang, napakaduwag ko kase eh. At imbis na yun ang sabihin ko, eto nasabi ko,

"Opo!", T-T

Pagkatapos agad akong kumuha ng pera sa alkansya at pumunta sa tin dahan nila Aling Purak.

"Pabili nga p-....."

Natigilan ako sa pagsasalita ng may biglang may nang tulak sakin na lalake siniko niya ako ng mahina, pero napaatras ako. At sumingit, nakakairita talaga ang mga SINGIT eh!!!!

"Pabili nga po!", sigaw niya habang tinutoktok ang mahiwagang 'Piso" niya!

"Ano yun?", biglang sumulpot si Aling Purak.

"Ummmmm.... chooey choco nga!", Wwwwwuuuuuutttttt!? Sumingit siya sa iisang chooey choco!? A big big SHOCK! Tsunami na'to!

Sa sobrang inis ko napatingin ako sa kaniya ng masama.

Kaya nung pagtalikod niya sa tindahan, muka ko ang unang napansin niya. Ginalaw pa niya ang ulo niya para tingnan kung talagang nakatingin ako sa kaniya, pwes Oo! Nakatingin ako sa'yo! Bad mood ako!

EMO: Ella Marie Oblata (ANG KWENTO NG HINDI Emo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon