The Fourth Page- 3 Prince

82 4 6
                                    

Yun nga nalate kame, pero pag-uwi ko sa bahay deretso bihis ako para pumunta ng resto burger.

Naghintay ako sa labas ng bahay para hintayin si Hairy.

"Yung kalbong Mabuhok na yun... nasan na kaya yun?",bulong ko sa sarili ko.

"Uy!", biglang lumapit sakin yung gangster na nakita ko kagabi.

Formation ninja ulit ako

"Hayaaaa!!", sisipain ko sana siya pero nakailag siya.

"Hamujomujo!", sabi ko at yumuko ako bilang paggalang dahil nakaiwas siya sa pag-atake ko.

"Alam mo EMO! Gusto ko lang naman makipagkaibigan!",

"Ano? Stranger ka na nga gangster ka pa! Ba't ako makikipagkaibigan sa'yo? Tsaka ba't mo alam pangalan ko?",

Tumaas ang kaliwang kilay ko.

"Ummmmm......sinabi sakin ni Lola Puring?", sabi niya ng may pag-aalinlangan.

Alam niyo nakakapagtaka na yung mga tao ngayon.

"Owwwssss talaga lang ah!", nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at umikot-ikot sa kaniya.

"Ano bang ginagawa mo?", tanong niya.

Bigla kong tiningnan ang mata niya. Nanlaki at bumaling sa iba ang tingin niya.

"Sabihin mo nga sino ka ba talaga?", malaking question mark sa ulo ko.

"Ganun? Nainom mo na ba gamot mo?",

Pang-aasar ba yun?

"Bakit? Dapat ba inumin ko? Akala ko kase kakainin eh!", sabi ko sa kaniya.

Panessssss!!! Pangbabara yun wag kayong kokontra!

"Wala ka pa din palang pinagbago! Alisin mo nga yang bangs mo!",

Wait wait......Naaalala ko yung mga katagang yun!

Biglang sumagi sa isip ko ang iisang tao.... Tama si MARK!

"Mark! Ikaw yan tama?!",

Ngiting Tagumpay!!! :D

Teka makalimutan ko! Bago ang Tres Barias ko meron na akong dating kaibigan nung bata pa ako, at yun ay si Mark.

Hinug ko siya bigla.

"Ang tagal nating di nagkita!", sabi ko sabay higpit pa ng hug ko sakaniya.

EMO: Ella Marie Oblata (ANG KWENTO NG HINDI Emo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon