Isang maliwanag na buwan ang iyong masasalamin mula sa malinis at kalmadong batis.Maririnig mo ang huni ng mga kuliglig at mga aktibong ibon sa gabi.
Kapayapaan,
Katahimikan,Iyon ang maaari mong ipanlarawan sa gabing iyon.
Ngunit bukod doon ay may tila isang Dyosa ang nagmamasid at nakatanaw.
Nakatakip ng makakapal na tela ang katawan, na ang tangi mo lang makikita ay ang magagandang mga mata nito.
Iginagala ang paningin kung may tao pa ba sa paligid."Rihiya, iwan mo na ako dito, balikan mo ako sa itinakda kong oras". Maotoridad nitong utos sa sariling alipin.
" Sige po, mahal na prinsesa". Bagamat hindi sang-ayon ang alipin ay nanaig ang takot nito sa utos ng prinsesa.
Bawal tumapak sa lupa ang binukot, bawal itong gumawa ng kahit na ano.
Sapagkat ito ay tila diyamanteng dapat inaalagaan lamang ngunit ikinukulong.Sa pagkakataong iyon ay lalabag siya sa kautusan.
Nang mapansin ng prinsesa na wala ng tao ay dahan-dahan itong lumapit sa batis.
At nang maramdaman niya sa paa ang tubig ay gumuhit ang ngiti sa matapang nitong mga labi.
"Yey! I feel freedom and peace".
Muli itong sumulyap sa paligid at nang masigurong walang tao ay hinubad na niya ang nakabalot sa mukha niya.
Isinunod nito ang nasa buhok niya.Mas nadagdagan pa ang liwanag ng gabi dahil sa maganda nitong mukha.
Hindi maikakaila na isa itong pinagpalang Dyosa ng kagandahan.Inalis na din nito ang makakapal nitong saplot at inihagis sa kung saan.
Nais lang niyang magsaya.
Kahit nilabag niya ang utos, ay masaya siya at nabigyan niya ng kasiyahan ang sarili para sa ika-19 niyang kaarawan.Kaya nang mahubad niya ang lahat ng kanyang saplot sa katawan ay humantad ang perpekto nitong hugis at makinis na balat.
Napakaswerte ng batis at mababahiran ng isang nilalang na may natatanging kagandahan.Dahan-dahan siyang lumublob at ninanamnam ang pagyakap ng tubig sa kanyang malaporselanang balat.
Sa kabilang banda ay may isang gwapo at makisig na binata ang tila naliligaw,
Kaninang umaga pa itong naglalakad at baka sakaling mahanap nito ang daan palabas ng kagubatan.
Halata dito ang pagod dahil sa mabagal nitong paglalakad at paghingal.
"Aarrrghh! No signal! This place is a sh*t!". Inihagis nito ang kanyang cellphone at nasira.
Naiinis itong napakamot sa ulo at pinabayaan na lamang ang nasirang bagay. Isa pa ay lowbat na ito.
Sa paglalakad niya ay natagpuan niya ang isang batis,
Tila nagdiwang ang kalooban niya sapagkat maiibsan kahit ang uhaw lamang niya.Mabilis siyang sumalok ng tubig gamit ang kamay at uminom ng tubig. Hindi niya inisip kung maaari bang inumin ang tubig doon.
Ang mahalaga ay makainom siya." aaahh, thank ,God". Bahagya pa itong tumitingin sa itaas at sabay lagok sa tubig na nasa kamay.
Ilang beses siyang sumalok at uminom ng tubig at ipinipikit pa ang mata.
Ngunit sa pagmulat ng mga mata niya ay siyang pag-ahon ng isang napakagandang dalaga.
Wala itong saplot sa katawan at kitang-kita niya ang malulusog na dibdib nito.Nagulat ang prinsesa nang makakita ng lalaki,
At kaagad na tinakpan ang katawan."Am I dreaming?". Kumunot ang noo ng prinsesa sa sinabi ng binata.
Nasisigurado niyang tagalabas ito.
Isang tagalabas!"LAPASTANGAN!". Galit na duro ng binukot sa naguguluhan ngunit namamanghang lalaki sa kanyang harapan.
" nakita mo ang katawan ko!". Pasigaw pa din ito at hinayaang makita ng lalaki ang katawan niya.
Umahon sya sa tubig at wala na siyang itinago.
Na siyang ikinanganga ng binata.
Kahit na sa pakiramdam nito ay hindi dapat tinatalikuran ang dalaga ay inilihis niya ang paningin upang hindi na makita ang nakahain nitong katawan.
"Ako ay isang prinsesa at idiretso mo sa akin ang paningin mo!". Maotoridad itong magsalita.
" Miss, baliw ka ba? Sayang ang ganda mo pa naman".
Mukhang, hindi nagustuhan ng babae ang sinabi nito.
"Hindi ako baliw, walang respeto!". Kumuha ito ng putol na sanga at idinuro sa binata.
Naalerto naman ang huli.
" ano ba? Matulis yan". Lumalayo ito ngunit inilalapit ito ng prinsesa sa mukha niya.
"Isa kang lapastangan na nakakita ng aking katawan, panagutan mo ito". Napamaang naman ang binata.
" teka, i just saw it, hindi ko naman dapat panagutan, at isa pa ay aksi-".
"Panagutan mo! At huwag kang magsalita ng mga bagay na hindi ko naiintindihan". Putol ng dalaga sa sinasabi ng lalaki.
Napapangiwi ang binata sa hitsura ng babae sa harapan niya na mukhang nababaliw na idagdag pa na hubo't hubad ito.
" Ano ba? Tumigil ka nga, wala akong dapat panagutan".
"Ako ang prinsesa kaya dapat kang managot!". Malakas na wika nito.
" kaya PAKASALAN MO KO!".
••••••••••°°°°°°°°°°••••••••••
Vote
Comment
Add to Library
Follow
BINABASA MO ANG
Binukot: The Native Princess ✓
Historical FictionSi Farrah ay isang binukot (native princess) na hinirang ng isang araw ay naligaw sya sa isang kagubatan at pinili syang gawing prinsesa ng mga tao dito dahil na din sa natatangi nitong kagandahan sa edad na 5 taon. Pagkatapos nun ay sinanay sya at...