Bawal

570 32 5
                                    


"Prinsesa, sino ho ba siya?". Tanong ni Rihiya sa binukot.

Pabalik-balik ang tingin nito sa binatang halatang namamangha sa paligid at sa prinsesang seryoso ang mukha.

" Siya ay ang mapapangasawa ko, gusto kong ipaalam mo ito sa buong Wattak". Tinanggal nito ang mga nakakabit na tela sa mukha.

"Teka! Seryoso ka talaga?". Lumapit ang lalaki ngunit siniko lamang siya ng binukot.

" huwag kang magsalita, dahil hindi kita kinakausap". Tinignan pa niya ito ng masama.

"Prinsesa!". Nahindik si Rihiya ng makitang wala lang sa binukot na makita ng lalaki ang mukha nito.

Sa ilang taon ay si Rihiya lamang ang siyang nakakakita ng hitsura niya at ang tanging nakakausap.

"Nakita na niya Rihiya, kaya hayaan mo na". Nag-aalala ang mukha ni Rihiya.

" paano po pag nagtanong ang mga Apo kung sino? Kung anong dote niya".

"Sabihin mo ay, siya si ..."

"Ace Magno Ventura". Tuloy ng lalaki na wala na yatang pagtutol.

" si Ace, at sabihin mo ay nakuha ko na ang dote na ibinigay ng binata". Kung titignan ay mukhang matalino itong babae, lalo pa kung natuto siguro ito sa pangkaraniwang paaralan.

" isang baul ng ginto ang inialay niya, sabihin mo ay bukas din ang seremonyas at ayoko nang ipagpaliban".

"Bukas? Agad-agad? Hindi ka naman excited ano? Pwede bang pakainin niyo muna ako?".

" Rihiya, dalhan mo sya ng pagkain". Tumango ang alipin at umalis na.

"Grabe! Naligaw lang ako, bukas may asawa na, ni hindi nga sumagi sa isip ko na mag-asawa, tsaka--".

" itigil mo ang pagsasalita mo, madami na akong sinuway na mga bagay ng dahil sa iyo". Tila sinisisi pa nito ang binata sa mga nangyari.

"Bawal maarawan,
Bawal masugatan,
Bawal makita ng kahit na sino miski dulo ng kuko o ng buhok,
Bawal magtrabaho...".
Iniisa-isa ng babae ang lahat ng kautusan na dapat sinusunod niya.
" bawal sumayad sa lupa ang mga paa,
Bawal ,bawal at madami pang bawal,
Sabihin mo, anong kahihiyan ang bitbit ko pag nalaman nila na madami na akong nasuway?". Humarap siya sa binata nanangingislap ang mga mata dahil sa nanggigilid na luha.

"Wala na bang ibang paraan? Pwede naman siguro na paalisin mo na lang ako at magkunwaring walang nangyari".

Sa sinabing iyon ng binata ay bumigay ang nagmamatapang na dalaga at lumuha.
Para itong anghel na umiiyak habang sapo-sapo ang mukha.

Napatayo ang binata na tila gustong hawakan ang babae pero pakiramdam niya ay isa itong babasagin na pag hinawakan niya ay magkakalamat.

" ilang taon kong inalagaan ang sarili ko, hindi lamang ako, kundi ang buong nayon na ito. Pagkatapos ay makikita mo ang buo kong katawan, isa akong kahihiyan sa mga nauna pang binukot". Napakamot sa ulo ang binata.

"Wag ka nang umiyak". Alo nito na hindi pa din lumalapit.

" Alam mo ba na ilan na ang namatay dahil nakita nila ako?". Nabigla ang binata sa sinabi ng binukot.

"Napakadami na, idagdag pa ang mga lalaking nais makita ang hitsura ko. Hindi magiging patas sa kanila at lalong ayoko na may mamatay pang muli". Natakot si Ace sa sinabi ng dalaga kasabay nun ay ang paghawak niya sa balikat nito.
Naaawa sya dito.

Napag-aralan na niya noon ang mga tungkol sa binukot ngunit hindi naman niya akalain na meron pa ding ganung tradisyon.

Naaawa siya sa dalaga.

Kung tutuusin ay maswerte na sya , hindi sya mamamatay mapapangasawa pa niya ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong buhay niya.

" sige papakasalan na kita". Umangat ang tingin ng prinsesa at pinahid ang mga luha.

"Dapat lang". Bumalik na muli sa pagiging matapang ang mukha nito.

••••••••••°°°°°°°°°°••••••••••
Vote
Comment
Add to Library
Follow

Binukot: The Native Princess ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon