"Ayos lang Jarred, atleast ayos na kami".
Paliwanag ni Sulaya sa naghihimutok na si Jarred.Umalis kasi si Ace kagabi pa at hindi manlang nag-abalang magpaalam sa kanilang dalawa.
Naritong hinintay siya ni Sulaya sa dalampasigan para sa skinny dipping session nila.
Mula alas-9 ng gabi hanggang ala-3 ng madaling araw ay naghintay siya.
Ngunit wala ni anino ni Ace ang nagpakita.Kaya nilagnat lang siya dahil magdamag din siyang nagbabad para hindi antukin sa paghihintay.
" naku! Naku! Lulunurin ko talaga sya".
"Wag ka na mag-alala, baka mahalaga yung pinuntahan niya".
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Jarred.
" speaking of..". Pairap na dinampot ni bakla ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Susko Ace! Nilalagnat lang naman si Madam, , , oo hinintay ka, , , lintik ka! Wala kang pasabi". Alam ni Sulaya na siya ang pinag-uusapan ng dalawa.
" Madam, kakausapin ka daw". Ibinigay sa kanya ni Jarred ang phone.
"ace?". Tanong ni Sulaya sa kabilang linya.
Na-miss niya ito.
" Sulaya, asawa ko". At nawala na naman ang sakit ng hindi nito pagsipot sa kasunduan nila.
Sweet words from Ace makes her heart melt.
"Nasan ka?".
" Nasa condo na ko, magpahatid ka na lang kay Jarred, nilalagnat ka daw?". Tila pagod ito.
Naawa tuloy si ang dalaga sa kanya. Pagod ito at binibigyan pa nito ng oras para kausapin siya."Oo, pero ok lang ako. Magpahinga ka na". Napapangiti siya dahil nag-aalala ito.
" ikaw itong dapat magpahinga, pasensya na, hindi ko nasabi sayo na hindi ako makakadating. Madami lang---".
"Sige na Ace, wag ka na magpaliwanag. Naiintindihan ko, uuwi na ko jan".
" Baka hindi mo pa kaya bumiyahe, kung gusto mo, bukas ka na lang umuwi".
"Mas lalong hindi ako magiging ok pag malayo sayo. Uuwi na ko". Kung titignan ay para talaga silang mag-asawa na nagkaroon ng kaunting di pagkakaunawaan at ngayon ay naglalambingan.
" yeah, I miss you, Asawa ko". Sulaya heard him chuckled .
Kinilig naman siya sa pagsabi nito ng 'asawa ko'.
"Ace, may sasabihin ako sayo pagdating ko jan". Mukha namang gumaganda na ang relasyon nila.
Pwede na siguro niyang aminin ang totoo niyang pagkatao dito.Mahirap na at baka maging sanhi pa ng hindi nila pagkakaintindihan kapag hindi pa niya sinabi.
" ako din Sulaya".
Nag-iba ang tono ng boses ni Ace kaya kinabahan ang dalaga."A-ano yun?".
" basta, pag-uwi mo, sasabihin ko sayo. About sa pagpapakasal natin". Nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Sulaya ng marinig ang sinabi ni Ace.
Akala niya ay kung ano na.
Matapos nilang makapagtawagan ay kaagad na silang bumiyahe pabalik ng Manila.
Kahit medyo sumasakit pa ang ulo ni Sulaya ay tiniis niya. Gusto niya na kasi talagang makita ang asawa niya.
"Hindi na ko tutuloy madam ha. Kailangan kasi ako ni Papa, babush". Nag-flying kiss pa ang nagmamadaling bakla at nawala na ito sa paningin ni Sulaya.
BINABASA MO ANG
Binukot: The Native Princess ✓
Historical FictionSi Farrah ay isang binukot (native princess) na hinirang ng isang araw ay naligaw sya sa isang kagubatan at pinili syang gawing prinsesa ng mga tao dito dahil na din sa natatangi nitong kagandahan sa edad na 5 taon. Pagkatapos nun ay sinanay sya at...