"Halika na". Malamig pa din ang pakikitungo ni Ace sa akin.Ni isang gamit ay wala akong dala dahil wala naman akong gamit. Lahat iyon ay galing sa kanya.
Ngayon na ang araw na ibabalik na niya ako sa nayon.
Sana naman, makalimutan ko sya.
Sana." Ipapakilala kita kay Mom". Wika niya ng makasakay kami sa kotse niya.
Awtomatikong napalingon ako sa kanya.
"Wag kang magbiro, kaya mo nga ako pinabayaan dahil sa kanya, baka patayin ako nun pag nalaman niya na asawa mo ko". Iiling-iling lang ako sa kanya.
"You should follow me". Matigas na turan niya at nagmaneho na.
" Hindi ka Hari". Ganti ko.
"But I'm your prince". Nasa kalsada pa din nakatutok ang atensyon niya.
" Not even a prince". Inismiran ko pa sya.
Ngunit halos maumpog ako sa unahan ng kotse niya sa biglaan niyang pagpreno.
"Y-you, understand me? Naiintindihan mo?". Napasikdo ang dibdib ko at kaagad na tinakpan ang bibig ko.
" h-hindi". Ninenerbyos kong pahayag.
"Nag-english ka, paano mo nalaman?". Naghagilap ako ng isasagot ko at tsaka ako napabuga ng hangin.
" tinuro lang ni J-jarred". Simple kong tugon at nag-iwas ng tingin.
"Pero--". May sasabihin pa sana sya ngunit pinigilan ko sya.
" wag mo ng dagdagan ang inis ko sayo. Wag mo na muna ako kausapin. At pwede bang iuwi mo na ko". Singhal ko.
"Sa condo ko?". Tila nakikiusap sya.
Simpleng tango lang ang isinagot ko at bumalik na nga kami.
Isa pa, ayokong makaharap ang ina niya. Baka ikamatay ko pa.
THIRD PERSON'S POV:
" Anong gusto mo?". Masuyong tanong ni Ace kay Sulaya.
Hindi sya nito pinansin at pinagpatuloy lamang nito ang panonood sa Tv.
"Tubig? Pagkain? Gusto mo bang mamasyal sa labas?". Hindi muli ito tinapunan ng tingin ng dalaga.
" ace , tantanan mo ko. Parang kagabi lang, halos ipagtulakan mo ko. Tapos ngayon, -- hayst! Ewan ko sayo!". Mabilis na nagmartsa patungo sa kwarto niya si Sulaya na kaagad sinundan ng binata.
"Pasensya na". Muli na naman syang hindi pinansin ng dalaga.
" Sorry, hindi ko sinasadya. Nagagalit lang naman ako sa sarili ko kasi, hindi kita pinagtanggol. Baka lalo kang ilayo ni Mom pag nalaman niya ang tungkol sayo". Mahabang paliwanag nito.
"Wala na Ace. Nasabihan mo na ako ng masasakit na salita. Inuuna mo pa yang iniisip mo. Kesa sa nararamdaman ko". Umupo si Sulaya sa kama at mas maaliwalas na ang mukha nito.
She saw a hint of guilt and sadness on Ace' face.
" halika dito". She tapped the space beside her.
Kimi naman na lumapit at umupo duon si Ace.
"Hindi lahat ng bagay nadadaam sa pasensya na. Kaya pinipili dapat lahat ng sinasabi at ginagawa". Pangaral niya at ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ng binata.
Marahan niyang pinaglaruan ang malambot nitong buhok.
" ayan, hindi na ko galit". Patuloy lang ito sa paghaplos sa buhok ni Ace na tahimik lang.
"Ikaw ba, galit ka sakin?". Si Sulaya naman ngayon ang naglalambing dito.
" oo, bakit kasi sumama ka kay Jarred? Mukha pa namang may crush ka dun. May gusto ka ba sa kanya?". Kompronta nito.
"Wala". Ibinaba na ni Sulaya ang kamay niya.
" masyado lang syang mabait. At nagagwapuhan ako sa kanya".
"Bakla yon". Pairap na bigkas ni Ace.
Ngunit bigla siyang napamura sa sarili ng makita muli ang pasa at kalmot sa mukha ng asawa."Sorry". Inabot niya ang kamay nito at hinalikan.
Nagtataka man ay napangiti na din si Sulaya.
" Sorry". He kissed her left cheek kung saan sya may pasa.
"Sorry". At sa kalmot sa kanan.May mga paru-paro na naman na nagliliparan sa tiyan ni Sulaya.
Ang sarap nun sa pakiramdam.Napangiti muli ng matamis si Sulaya.
"I'm not sorry".
Nagulat na lamang si Sulaya ng ang mga labi niya ang sunod na halikan ni Ace.Nang makita niya na nakapikit ito ay ipinikit niya din ang kanyang mga mata at dinama ang malalambot na labi nito.
Ilang sandali pa at naghiwalay ang mga labi nila na kapwa kuntento at nakangiti.
" I mean it Sulaya. Ibig sabihin, ginusto ko yun gawin. Hindi dahil nabigla ako. Gustong-gusto talaga kitang halikan.". Pagtatapat ng binata na halatang nahihiya na ikinagalak ng damdamin ni Sulaya.
At tsaka ito tumayo na.
Hindi na kasi niya ma-contain ang hiya sa pag-amin.
Ni sa hinagap niya na sasabihin yon. Dahil kapag ginusto niya ay gagawin niya. Wala na syang dapat ipaliwanag."I felt it Ace, I know". Sulaya whispered to herself as her eyes started to shed tears.
Ayaw niya magalit si Ace.
Niloloko niya si Ace.
~~~~~~~~~~~~~~~
VOTE,
COMMENT,
ADD TO YOUR LIBRARY,
_balugatuh111
BINABASA MO ANG
Binukot: The Native Princess ✓
Historical FictionSi Farrah ay isang binukot (native princess) na hinirang ng isang araw ay naligaw sya sa isang kagubatan at pinili syang gawing prinsesa ng mga tao dito dahil na din sa natatangi nitong kagandahan sa edad na 5 taon. Pagkatapos nun ay sinanay sya at...