Kanina lamang ay namomroblema kami ni Ace kung papaano kami magkakaanak, ngayon naman ay para kaming natuwa ng malaman na buntis si Rihiya.
"Prinsesa, iniintay na po nila kayo sa baba".
Yuko ni Rihiya.Nagkatinginan kami ni Ace.
Nagkunwari akong natumba na kaagad sinalo ni Ace." Prinsesa! Ayos ka lang po ba?".
Nag-aalala si Rihiya at iniupo naman ako ni Ace katabi niya."Hindi maganda ang pakiramdam ko, magpanggap ka muna bilang ako".
Mapang-utos na tinig ko dito na nagkukunwaring nanghihina." Ano po? Kung gusto ninyo ay sasabihin kong wag na muna ituloy".
"Sinong masusunod Rihiya?".
Pasensya na Rihiya, pero kailangan ko munang gawin to." s-sige po".
Yumuko siya at siya na ang nagsuot ng kasuotan ko.Hanggang sa makita kong nakalabas na siya ay napabuntong-hininga na lang ako.
"Hindi ka talagang buntis mahal na prinsesa".
Sumulpot si Hanu mula sa kwarto na ikinatingin namin ni Rihiya.Higit sa lahat ay si Hanu ang nakakaalam ng lahat maging ang tungkol sa nangyari sa totoo nilang binukot.
" Paano kapag kailangan na lumaki ang tiyan mo? Anong isisilang mo? Dumi?".
Nasa tono nito ang pagkakalmado at hindi galit. Mukhang nag-aalala ito."Iyon na nga Hanu, anong gagawin ko?".
" Sinuwerte kayo dahil buntis si Rihiya at maaring siya ang lumabas bilang ikaw. Ngunit malalaman nila na buntis din ang iyong alipin, sino ang sanggol na ihaharap mo? Hindi ko na kayo matutulungan diyan, ayokong madamay ang anak ko".
May point si Hanu."Palabasin natin na nakunan ako".
Napakagat ako sa labi ko habang iniintay ang reaksyon nila." Haay! Hanggang kelan? Hindi maaaring makukunan ka ng makukunan, limang taon pa ang itatagal mo".
Bakit ba palaging may point si Hanu?"Tinutulungan kita dahil ikaw ang dahilan kung bakit nabubuhay pa kami dahil ang katapatan ko ay sa totoong Sulaya".
With that, umalis na siya." Ace, he's right, sana masurvive ko to".
~~~~~~~~~~~
Kinaumagahan ay kaagad akong napabangon ng malaman na wala si Ace sa tabi ko.
Saan iyon pupunta?At isa pa ay madaling araw pa lamang. Tulog mantika pa naman iyon at bakit wala siya dito?
Isinuot ko ang pantakip ko sa mukha at ang makakapal kong damit.
Binuksan ko ang bintana sa pag-asang naroon siya kasama ng mga nasasakupan.Napatingin sa gawi ko ang iba ngunit nadismaya ako nang mapagtantong wala doon si Ace.
Nang mapalingon ako sa aking kwarto ay gayon na lamang ang kaba ko nang makita na wala doon ang mga kagamitan ni Ace.
Nagmamadali akong lumabas ng silid at saktong nasalubong ko si Rihiya.
"S-si Ace?".
Nanggigilid na ang mga luha ko.
P-please sana sabihin niyang hindi totoo ang nasa isip ko." Rihiya". Tawag ko dito ng ibaba niya ang kanyang tingin.
"Umalis na po sya, ipinabibigay niya ito".
Mat iniabot siya sa aking kapirasong papel.Nabghihina ko iyong inabot at nagtungo sa silid ko.
Pigil hininga ko iyong binuksan at binasa.
Sulaya/ Farreit/ Asawa ko,
Do I gave you headaches?
Nasasaktan ako makitang nahihirapan ka. Dahil ba saken?
Kung sana hindi ako nagpumilit na sumama sayo ay wala ka ng problema. Pwede mo nga naman akong palabasin na namatay na. Iyon ang sinabi sa akin ni Hanu na plano niyo. Kaya pala mainit ang ulo niya sa akin.
Bago ko tapusin ang sulat na ito, gusto kong sabihing mahal kita. Oo, totoo yun.
Inaamin ko nung una na sinasaktam kita paulit-ulit , itinatak ko sa utak ko na pera lang ang habol ko sayo at ayokong mahalin kita pero asawa ko, mahirap pala talagang pigilan lalo pa sa isang dyosa ng batis na tulad mo.
Hindi ako umalis para mambabae dahil ikaw na nga ang mahal ko.
At ikaw naman wag mo na manyakin yung mga binata sa bintana mo. Isipin mo na lang ang abs at muscles ko.
Asawa ko, iintayin kita. Pangako.
Ikakasal pa tayo hindi ba?
Hanggang sa muli.
I love you.
_ang iyong gwapong asawa Jelly AceI smiled habang tumulo na ang butil ng luha ko.
I can't wait to tell him that I love him too at marinig mismo sa mga labi niya na mahal niya din ako.I understand that he also understand me.
Pero paano na ngayon pa lang ay namimiss ko na sya.~~~~~~~~~~~~~~~
A/n:
Konting kembot na lang, mga balugs.Basahin niyo po sana yung iba kong works. Salamat po.
evepasaforte
Salamat po sa vote.
BINABASA MO ANG
Binukot: The Native Princess ✓
Historical FictionSi Farrah ay isang binukot (native princess) na hinirang ng isang araw ay naligaw sya sa isang kagubatan at pinili syang gawing prinsesa ng mga tao dito dahil na din sa natatangi nitong kagandahan sa edad na 5 taon. Pagkatapos nun ay sinanay sya at...