Chapter 19

2.8K 40 4
                                    



LAINE'S POV

Hapon na naririnig ko ang lakas ng tubog ng mga alon, ang mga tawanan ng mga batang naliligo sa dagat, ang mga matatandang nag bebenta cellphone case, waterproof bags at perlas sa mga dayo, ang mga restaurant na nag aayos ng mga upuan para mamayang gabi at ang mga ibong humuhuni sa mga puno na tila ay umaawait kasabay ang pag lubog ng araw. Andito ako ngayon sa buhanginan nakaupo tinitignan ang paglubog ng araw na siyang hudyat na patapos na ang araw na ito at ang simoy ng hangin na humahampas sa buhok ko para mapunta ang ibang hibla nito sa muka ko. Napagawi ang paningin ko sa kanan kung saan may papatakbong aso saakin at napangiti ako nung makalapit na siya sakin at binigyan ako ng maraming halik sa muka at hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko at napatingala ako.

"Miss bili na po ikaw ng mga perlas mura lang po ang mga ito". Alok sakin ng isang batang babae mga nasa 7 edad na anyos lamang ito, mahaba ang kanyang itim na buhok at kayumanggi ang kanyang balat.

Napangiti ako " halika upo ka sa tabi ko at ipakita mo sakin ang mga binebenta mong perlas" aya ko sa kanya at siya din namang upo sa tabi ko.

"Eto po yung perlas totoo po lahat yan pero fresh water lamang po ito kita nyo po yung iba hindi perpekto ang hugis na bilog ibig sabihin po nyan totoo po ang mga ito." Paliwanag niya at eto pa kumuha siya ng lighter at sinindihan ang mga ito pero hindi siya natunaw at walang pinag bago totoo nga ang mga ito.

"Okay mag kano naman yang bracelet?" Tanong ko sa bata.

"Miss 50 pesos lang po yung maliliit na perlas at yung mga malalaki naman po 100 pesos lang, miss bili na kayo para may kita na po ako." Malungkot na sabi ng batang babae pero kita ko sa mga labi niya na pinilit nyang ngumiti.

"Oh sige bibili ako pero pwede muna mag tanong sayo?" Sabi ko sa batang babae.

"Ano po yun?"

"Asan ang mga magulang mo? Bakit ka nag tratrabaho sa mura mong edad? Ang bata bata mo pa" malungkot na tanong ko sa kanya.

"Nag tratrabaho din po ang mga magulang ko ang tatay ko po mangingisda at ang nanay ko po minsan tumatanggap ng labada sa hotel hindi po siya makatrabaho ng deretso kasi po siya yung nag babantay sa mga kapatid kong maliliit"

"Oh bat ka nag bebenta ng mga yan kung may mga magulang ka?"

"Miss kasi po hindi sapat ang kita nila para matustusan ang pangangailangan namin mag kakapatid" malungkot nyang sabi saakin at ako wala akong masabi sa hirap ng pinag dadaanan nila.

"Nag titinda po ako ng mga perlas para matustusan ang baon araw araw at kung sineswerte nakakapagbigay din po ako ng sobra sa nanay ko para pandagdag sa ulam o gatas ng mga kapatid ko po". Biglang tumulo ang luha ko sa nalaman ko isang batang nag hahanap buhay para sa pamilya niya at para makapagtapos ng pag aaral naaawa ako dahil sa edad palang niya kailangan na niyang maging matured. Napakaswerte ko pala kasi nung bata ako lahat ng gusto ko nakukuha ko may tirahan akong maganda, may kasambahay sa bahay at araw araw kumakain ako ng masasarap na pagkain napakaswerte ko noon at hanggang ngayon.

Pinahid ko ang nga luhang pumatak sa mga mata ko at ngumiti sa kanya. "Okay ganito lahat ng tinda mo bibilhin ko ngayon. Mag kano ba lahat yan?".

Namilog ang mga mata ng batang babae "miss hindi mo naman kailangan bilhin lahat". Sabi niya

"Okay lang ang batang katulad mo dapat nag aaral ng mabuti,mangarap at makapagtapos ng pag aaral kaya gagawin ko to kasi maganda ang pag kakagawa mo at isang simpleng tulong ito sa pamilya mo". Hindi nakaimik ang bata nakikita ko sa kanyang mga mata kung gano siya kasaya. Kaya kumuha siya ng tatlong plastic pinag sama sama niya ang mga bracelet, sing sing at earrings ngiting ngiti niya iniabot saakin ang mga plastic.

COME AND GET ME BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon