Chapter 23

2.1K 36 4
                                    


LAINE'S POV

Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ng kotse ko nakapark ako ngayon sa parking lot ng school namin ang laki laki na ng eyebags ko nakakaloka pero masaya naman ako kasi holiday na! Next week wala ng pasok! Yes! Sa tinagal tagal ng puyat at walang tulog at pagod makakalabas na kami mamayang gabi party party muna. Friday na ngayon kaya napag isipan namin nina lotus at sheryl na mag girls night out muna kami para makapag pahinga kasi magiging busy na din kami sa pamipamilya namin pag sumapit na ang pasko at new year at syempre medyo pressure na din sa preparations para sa kasal namin ni mavic.

Inayos ko na ang sarili ko bago bumaba sa sasakyan at nag lakad papuntang classroom pero napansin ko may mga nag tatakbuhan at mga nag bubulungan.

"Shet ang ganda niya talaga" sabi nung lalaki sa harapan ko na lakad takbo na.

"Omg girl! Sana ganon din ako kaganda!" Sabi naman nung babae sa kaibigan niya na sabay tumatakbo.

Kaya tumingin ako sa palagid andaming tumatakbo na estudyante! Ano kayang meron ngayon? May artista ba? May model? May dumating na taga hollywood? Bakit parang hindi ako nainform? Kaya naman hindi ako nag dalawang isip na sundan ang mga taong nag tatakbuhan pero lakad lang ginawa ko papunta silang basketball court. Kaya naman nagulat ako nung andaming tao at mas nagulat ako nung may mga design na balloons at bulaklak ang court mukang bigatin nga ang dumating ngayon. Kaya naman tinawagan ko si sheryl.

"Hello best" sagot ni sheryl.

"Hello she san ka?"

"Dito ko sa court ngayon. Ikaw ba".

"Dito din she ano bang meron?"

"Hindi ko din alam e san ka ba banda? Puntahan kita" sabi niya kaya sinabi ko kung nasan ako at pinuntahan naman niya agad ako.

"Nako best nag tanong ako may model daw na dumatimg dito at bumisita sa school natin kaya pala nag kakagulo dito at mukang malaanghel daw ang itsuta ganon"

"A ganon ba she sino naman kaya yon?"

"Ewan ko din nga e" kaya napatigil kaming lahat nung nag salita ang principal

"Salamat sa umagang ito at nag tipon tipon tayo ngayon sa court na ito gusto ko lang din mag pasalamat sa bumisita ngayon sa paaralang ito malaking karangalan ito saamin Ms. Blake handson". Lumakas ang sigawan at palakpakan at parang slow motion na iniluwa ng stage ang blake handson na yon nakapa ganda, napakakinis, napakaputi, napaka haba ng buhok, napaka pula ng labi, malaanghel na muka at napalunok ako at nag pawis ang mga kamay siya yung babaeng nakipag usap sakin sa palawan! Siya yung nag sabing kaibigan nya si mavic! Artista pala siya este model pala siya!

"Hoy!" Sabay hampas sa braso ko ni sheryl

"Aray naman!" Sigaw ko sa kanya

"Titig na titig ka kasi sa blake na yon e kulang na lang e mag laway ka"

"Hoy hindi a ano kase" sabi ko

"Anong ano kase?"

"Sheryl siya yung nakausap ko sa palawan siya yung babaeng kaibigan daw niya si mavic" sa bawat salitang yon kaba ang nararamdaman ko diba dapat hindi ganon kasi kaibigan lang naman ni mavic diba? Pero bakit hindi makumbinsi ng utak ko ang nararamdaman ko.

"Ha? Siya yon? Wow ha ang ganda pala niya" derederetsong sabi ni sheryl sakin na lalo kong ikinakaba at nanlumo.

"Oo nga napakaganda niya" walang buhay kong sabi.

COME AND GET ME BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon