CHAPTER 10

4.2K 73 3
                                    

LAINE'S POV

Andito kami ni sheryl sa canteen eh ano pa ba nakain na naman siya sa pagkatakaw takaw ng babaeng to. Naikwento ko na din ang nangyari sa parents ko na makikilala ko na ngayong week na to ang fiancee ko at naikwento ko na din na nakausap ko si von pero hindi ko na ikinewento ang nangyari samin ni maviric baka gumawa pa ito ng gulo. At mas lalo siyang nabigla nung kinewento ko na nag usap kami ni robi at nakipag hiwalay na kami ng ayos sa isat isa.

"Best ang tindi ng nangyayari sayo nung nakaraang araw hindi ko man lang nalaman" sabay subo ulit ng pagkain.

"Eh pano mo nga ba malalaman eh busy ka kay daniel mo" pagtatampo ko

"Best sorry na isinubo na nga ang kanin hindi ko na dapat iluwa pa ito. Hindi ko kailangang maging choosy daniel na talagang ito na to" sabay subo ulit ng pagkain.

"Hay yan ka na naman dapat matuto ka na ha sheryl nasaktan ka na dati dapat maging matalino ka naman ngayon" pag papayo ko sa kanya

"Opo best talagang iba lang ang nararamdaman ko kay daniel hay" talagang patay na patay sa basketball player na yun eh.

"Im so happy for you best andito lang ako para sumuporta sayo" sabi ko.

"Ai ang best ko nagdrama I love you best"

"I love you too tumigil ka na nga sa kakakain sige ka tumaba ka niyan" pag babanta ko sa kanya kaya naman napatigil siya sa pag subo.

"Best naman iihh lagi akong gutom pero sige best iisipin kong busog na ko"

Napatawa naman ako sa sinabi niya "Tumigil ka nga dyan alam kong hindi ka pa din makakatiis kaya ubusin mo na yan at mag diet ka tom" tumango tango lang siya.

"Ah eh sheryl busy ka ba mamaya?" tanong ko sa kanya

"Hhmm best sa totoo lang may date ako mamaya hihihi" aba aba naman napapadalas ata ang pag dadate nila ni daniel.

"Ahh ganun ba edi mag enjoy ka mamaya"

"Best galit ka?" tanong niya

"Hindi naman ako galit" sabi ko

"Eh bakit mo tinatanong kung may pupuntahan ako mamaya?"

"Nakuh wala lang sheryl hindi naman masamang magtanong" tumango tango lang siya.

------------------------------------------------------------------

Lumipas ang araw na halos nakakabagot sa school makapunta na lang sa mall tamang tama mamimili na din ako ng damit para handa. Nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello mom" sabi ko

"Anak I know na mahirap toh sayo pero gusto ko lang sabihin na sa saturday na yung party sana sumama ka samin sabay sabay tayong pupunta doon"

"Okay mom sasama poh ako"

"Okay anak Im so sorry kung galit ka pa samin ng daddy mo naiintindihan ka namin" sabi ni mommy sa totoo lang hindi naman ako galit sa kanila siguro na bigla lang ako sa mga nangayayari kaya nag walk out ako.

"I understand bye mom" sabay endcall. Tamang tama pala pupunta na ako sa mall para naman malibang ako.

Papunta na ako sa parking lot kainamang layo naman pala ng pinarkingan ko lagi kasing puno ang malalapit na parking area. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at napinsin ko ang kotseng nasa tabi ko parang pamilyar ang kotseng ito ng biglang umilaw ito at binuksan ng may ari ang kotse. Nag katitigan kaming dalawa pero siya na yung naglihis ng tingin at pumasok sa koste niya at pinaandar yun. At ako naman naiwang nakanganga bakit ang sungit niya siya namang may nagawa saking masama siya pa ang may ganang mang snob.

COME AND GET ME BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon