Chapter 24

2.6K 46 14
                                    

LAINE'S POV

Pag mulat ko ng mga mata hinanap ko agad ang aking cellphone at tinignan ang oras 10am na pala kaya unti unti akong umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang ulo ko napadami talaga ang inom ko kagabi ayoko na! Shit! Para akong masusuka na hindi. Pag naaalala ko ang mga ininom ko parang iikot ang sikmura ko tama na yung isang beses na ganito wala ng susunod muna. Biglang pumasok ang mga eksena na nangyari kagabi sa bar, naalala ko ang si blake, si mavic, naalala ko kung pano kami mag sigawan dito sa loob ng kwarto, naalala ko kung papano kami mag away hindi ko akalain na papaalisin ko siya sa sobrang inis ko o sabihin nating sa sobrang selos.

Flashback

Nakita ko siyang nakaabay kay blake sabay inom ng alak na hawak niya ang magagandang mata ni mavic na nakikita ko noon puno ngayon ng inis o sabihin na nating galit sakin. Ano bang ginagawa kong masama? E siya nga dyan busy sa kaibigan daw niya kuno! Buti na lang andito si von kundi para akong tanga dito na nakatitig sa kanila ngayon. Inalis ko ang mga mata ko sa gawi nina mavic hindi ko masikmura gusto ko silang sukahan mag enjoy sila dyan at akoy mag eenjoy din. Kaya pala hindi nag rereply si gago may kasama na pala andali dali lang naman kuhanin ng cellphone! Mag type lang dali dali pero hindi niya ginawa! Tapos-tapos makikita ko siya nag sasaya ngayon! How dare he!

"Hey laine"

"Oh?" Sabi ko kay von

"Okay ka lang? Babasagin mo ata yang hawak mong bote ng alak e. Napapano ka?" Tanong niya kaya naman tinignan ko ang kamay ko sobrang igting ng hawak ko sa bote ng alak ihampas ko kaya to kay mavic para mas madaling mabasag nakakainis talaga!

"A wala may naalala lang ako"

"A okay. Sabihin mo lang kung may problema ka andito lang ako" sabay lagay ni von ng kamay niya sa balikat ko pero hindi ko na pinansin hinayaan ko na lang.

"Busy lang at toxic ang graduating haha konting tiis na lang" sabay ngiti ko

Hinawakan ko ang kamay ni von " tara sayaw ulit tayo" kaya napangiti at tumango naman si von sakin kaya nag punta na naman kaming dance floor. Hinataw kong sumayaw, giniling ang aking bewang at si von naman todo din at sabay hawak sa balakang ko. Halos magkadikit na nga ang aming mga katawan pero wala akong pakialam ang mahalaga lang masaya ako at mag papakawalwal ngayong gabi!

Sa pag sasayaw namin hindi ko namalayan na may humawak pala sa kamay ko at hila hila niya ako palabas ng bar ni hindi ko na nga nalingon si von sa bilis ng pang yayari.

"Get in!" Sigaw ni mavic.

Pero hindi ako nag patinag tumingin ako sa kanya "oh andyan ka pala sorry may lalaking nag aantay sakin sa loob" maarte kong sagot sa kanya.

Huminga siya ng malalim "wag mo kong simulan laine" tiim bagang sabi niya.

"Wag mo din akong simulan mavic mag saya ka at mag sasaya din ako" akmang aalis na ako nung sapilitan niya akong isinakay sa loob ng sasakyan niya.

"Ouch! Mavic! You know what? This is harassment mavic!" Sigaw ko sa kanya sa loob ng sasakyan.

"Harassment your face laine! I can do whatever I want to do especially to my fucking fiancee! And that's YOU LAINE!" Galit na galit na sabi niya.

"I hate you!" Sigaw ko sa kanya sabay hampas sa braso niya.

"Oh you can hate me forever you're my fiancee laine and you're MINE" sabay start ng sasakyan at mabilis niyang pinatakbo ito ako naman natahimik lang sa sasakyan at tumingin na lang ako sa labas ng bintana at nag kunwarimg tulog. Kahit na lasinga ako kinakabahan pa rin ako ngayon ko lang nakitang ganyan yan na parang galit.

COME AND GET ME BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon