Chapter 21

2.4K 29 2
                                    



LAINE'S POV

Dahil sa tapos na ang maliligayang araw namin at lalong tapos na ang sembreak namin balik paaralan na naman kami nakakatamad, parang nakakapagod, at higit sa lahat mas busy kami isang sem na lang naman ggraduate na din! Jusko sana matapos na lahat ng to tinitignan ko pa lang ang mga subjects namin gusto ko na sumuko siguradong toxic na naman to, wala na maman tulugan at higit sa lahat papahirapan na naman kami ng mga prof namin papahabulin, at papaasahin haha charot. Magkabatch naman kami ni mavic pero hindi kami magkaklse medyo nakakapanghinayang at nakakapanibago nasanay na din akong palagi siyang kasama yun bang oras oras andyan siya kulitan masarap pala talaga syang kasama hindi dahil papainitin o dahil katawan niya kundi may sense of humor siya yung mood niya depende sa topic ng pag uusapan niyo which is good naman kasi parehas kaming open sa isat isa para na nga akong nakahanap ng bestfriend na lalaki / fiancee hihi. Oh well dahil hindi kami mag kasama ngayon nakakalungkot kasi may mga bagay na ginagawa din siya at alam kong mas busy siya kasi player pa siya tapos aral pa kaya mukang kailangang suportahan ko din siya sa mga bagay na hilig niya at syempre yung way ng buhay niya. Nawala bigla ako sa pag iisip nung nag ring ang bell nako mukang malalate na naman ako sa first class ko kaya dali dali akong nag lakad teka mukang takbo at lakad ang ginagawa ko tinignan ko kung san floor yon kasi ihahagdan ko na lang kasi siguradong puno ang elevator.


Nang makarating na ako sa floor ng room namin pumasok na ako sa room namin kami kami pa rin ang mga magkakaklse may iba akong hndi na makita kasi yung iba hindi na nakatuloy this sem dahil yung iba bagsak sa ibang subject at hndi pwede magtake ng sem na to swerte pa nga ako at nakapasa ako kaya kailangang ipush ko na to last sem will be our last journey in college.


"Laine ganda mo ngayon a" sabi nung isa kong kaklaseng bakla


"Oo nga laine bagay din pala sayo ang morena" sabi pa nung katabi nung bakla


Kaya napangiti ako "nako thank you nag beach lang kami nung sembreak" sabi ko sa kanila


"Kasama yung fiancee mo?" Tanong ni bakla


"Oo kasama din yung mga kaibigan niya at kaibigan at pinsan ko" sabi ko


"Ai nako teh pakilala mo naman ako baka sakaling may pag asa pa ang beauty ko" sabi ni bakla


"Oo nga laine ang ggwapo nila super" sabi nung katabi mo bakla natawa na lang ako sa mga sinasabi nila mukang agang aga nag ddaydream na agad sila haha.


"Yeah sure why not bagay sayo si carl bakla at sayo naman si kennidy" sabi ko kaya naman nag sigawan sila at mukang kinikilig ang mga bruha haha


Dumating na ang prof namin kaya nag siayos kami ng upo nag sisimula pa lang ang klase namin sa unang subject may mga pinapagawa na agad siya at ang pasahan ay sa next week mukang toxic na nga agad ang life ko pero carrybells lang. Pero mukang hindi naman siya mahigpit mukang derederetso lang siya mag discuss kaya nag focus ako at sinulat lahat ng mga sinusulat niya sa board.


"Okay guys may quiz tayo ngayon madali to sa mga taong nakikinig at nakakaunawa papasa kayo" at kaming lahat nawindang sa mga pinag sasasabi niya pwede ko ba guys na bawiin na hindi siya mukang mahigpit? Haha


Kaya kaming lahat walang choice kundi kumuha ng papel at nag simula na kaming mag quiz at tama nga siya mukang medyo madali dali naman siya mag paquiz ngayon ewan ko lang sa mga susunod pa haha medyo magkakasakit ata kaming lahat sa puso pano na lang pag ganito ang prof naming lahat? Pano na lang pag kada discuss ng isang chapter may quiz agad edi wow ha! Muka ba kaming matalino katulad nila? Sabihin nyo nga mga readers ganyan din ba ang mga prof nyo nag papaquiz agad pagkatapos ng discussion o kaya naman bago mag simula ang klase mag qquiz dapat basahin nyo yung pinapapabasa sa inyo kundi lagot kayo kinabukasan nakakaloka guys sarap mag sembreak iyak naman pag balik ng school haha pero guys icarrybells na lang muna natin kaya natin yan. So ayon na nga kami din ang nag check ng quiz namin at muka namang pasa ako sa awa ni Lord at nasimulan kong makinig kanina kaya naman wala pang time pinadismiss na agad kami which is bad for me kasi iniisip ko kung saan naman ako tatambay o san naman ako kakain.


COME AND GET ME BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon