Chapter 22

2.3K 33 4
                                    

LAINE'S POV

"Best! Ano na nakita mo na ba ang meaning nung isang word?" Tanong agad ni sheryl.

"Teka lang a hindi na ako magkanda ugaga dito saglit lang!" Halos pasigaw na ako.

"Bat ba kasi sobrang busy na? Hindi ko na alam ang gagawin ko kaloka!" Medyo napalakas ang boses ni sheryl kaya halos mapayuko ako dahil sa mga titig ng mga tao samen.

"Hoy wag ka ngang maingay dyan mahiya ka sa mga student na nag rereview" bulong ko sa kanya

Pero patay malisya lang siya at tuloy tuloy ang pag hahanap sa libro andito pala kami ngayon sa library and finally pumasok na si sheryl ewan ko ba sa bruhanh to at ayaw mag kwento kung ano ginawa niya sa probinsya ang sagot niya lang "nag munimuni daw!" Aba kaloka lang ha umabsent talaga siya para sa muni muni effect niya. So anyway yun nga hindi na kami magkanda ugaga dito dahil sa sobra naming ginagawa tapos may mga quizzes pa kami halos hindi na kami matulog! Tapos may thesis beshy san ka pa! Kulang na lang hindi na kami kumain at maligo para matapos namin lahat ng to. Hindi na nga ako nakakapag ayos ng sarili ko basta ang alam ko lang araw araw ay mag review at pumasok and then repeat every single day! Jusko inaantay ko na lang ang christmas at new year para medyo makapag pahinga naman kami minsan natutulog na kami ni sheryl sa sofa doon sa condo ko tapos hindi na din kami masyado makapag usap ni mavic minsan nga hindi ko na siya nadadatnan tuwing umaga pero nag tetext naman siya na nauna na siya sa school mas grabe yung schedule niya kami ngang walang sports na kinuha hindi na magkanda ugaga siya pa kayang player tapos graduating pa. Pero never siyang nag pakita ng panghihina o nag rereklamo basta tuloy lang everyday! Medyo nahiya naman ako kasi puro reklamo kami ni sheryl haha.

Nagising ako sa katinuan nung hinampas ni sheryl ang balikat ko "hoy mamaya ka na mag daydream sa fiancee mo" sabi niya ng pabulong

Kaya huminga ako ng malalim "wala lang nakakamiss lang siya" sabi ko agad

"Wow teh hindi lang kayo nag sasama katulad ng dati miss na agad? E nauwi naman siya araw araw sa condo kaso busy din ang tao"

"I know naman busy din siya nasanay lang siguro ako" pag ddrama ko

"Aba beshy hindi palaging masaya ang lovelife noh tsaka intindihin mo din ang tao noh mas busy pa yon kesa satin"

"Wow best ikaw ba yan? Mukang kampi ka sa kanya a"

"Aba laine tumigil ka dyan kung nag fofocus ka sa ginagawa natin matatapos tayo agad hindi yung puro mavic ang laman ng utak mo" ayon na naman siya nagiging nanay haha

"Yes madam" sabi ko na lang at nag focus ako sa ginagawa ko.

Halos maubos ang free time namin ni sheryl sa ginagawa namin puro research pero masarap sa feeling kasi tapos na namin lahat ang kailangan na nga lang ay pag rereview may quiz kasi kami mamayang hapon last subject namin at istrikto ang prof namin pero carry naman. Napag isipan namin na pumunta na sa canteen at doon mag tanghalian inabot na pala kami ng tanghali para lang matapos ang ginagawa namin at talagang nakakagutom na.

"Hindi ko akalaing magiging ganito tayo kabusy best" sabi niya

"Oo nga e konting push na lang naman ggraduate na din tayo yun nga lang tiis ganda tayo ngayon."

"Oo nga best nakakaloka na gusto ko ng matapos lahat to." Pag mamaktol niya sabay order ng pagkain parehas kami ng ulam na beef caldereta at isang rice at tig isang tubig.

"Matatapos din yan she. So san mo balak mag pasko at new year nga pala? Malapit lapit na din mag holidays a" tanong ko kay sheryl

"Ewan ko siguro uwi ulit ako probinsya o pwede naman ako makisalo sa inyo o pwede ako mag isa" walang buhay na sagot niya

COME AND GET ME BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon