Chapter 16

3.2K 54 3
                                    



LAINE'S POV

Friday na simula na ng sembreak habang inaantay ko si sheryl sa library para isoli nya mga hiniram na libro noong nag rereview kami para sa finals nahagilap ng mga mata ko si von may kasama syang babae. Pababa sila ng hagdan kaya sinundan ko sila at nakita ko ang muka nung babae si bianca. Kilala ba ni von itong si bianca? Bakit simula nung nakilala ko si maviric hindi na ako natantanan nyang bianca na yan. Pero naisip ko baka kaklse ni von yan o relatives, kaibigan. Ipinilig ko ang ulo ko impossibleng kaibigan nya yan pano naging impossible laine pakiliwanag nga sabi ng isip ko. Hinilot ko ang sintido ko simula nung huli kong nakausap si bianca napaparanoid na ako hindi mawala sa isipan ko ang sinabi niya.

One time nga napanaginipan ko pa umuwi ako sa bahay na luhaan ang masaklap pa non nakadamit pangkasal ako pag naaalala ko yun natindig ang balahibo at pinag papawisan ako ng malamig sa sobrang kaba at takot siguro. Gusto ko mag tanong kay maviric kung sinong blaire yun. Kung sila pa ba, o yun ba ang una nyang fiancee, o asawa na ba niya yon, ex wife niya. Pinilig ko ulit ang ulo ko at huminga ng malalim sa sobrang pag iisip wala naman akong karapatan pero ayoko lang mapasama sa gulo nila kung meron.



"Hoy kanina pa kitang tinatawag a." Wika ni sheryl.



"Sorry nag iisip lang ako" sabay pahid ng kamay ko sa noo ko na nag sisimula ng mag pawis.


Tinitigan ako ni sheryl sinusuri niya ang mga mata ko pero ako naman tong si tanga hindi makatingin sa kanya ng deretso.


"Okay ka lang ba? Alam mo nung isang araw ka pang ganyan. May sakit ka ba?" Tanong niya. Sabay hawak sa leeg at noo ko at kumunot ang noo. " wala ka namang sakit a. Ano bang nangyayari sayo?"


Ngumiti ako ng pilit " okay lang ako hindi lang ako sanay na may fiancee tapos madami pang issue alam mo na gulo walang peace of mind sheryl"


"Baliw ka ba? Tagal tagal pa ng kasal buti nga sigurado ng mag kakaasawa ka e ako wala".


"Mas maganda nga sheryl na wala kang fix fix marriage na yan mahirap kaya wala lang kinakabahan ako kahit matagal pa yung kasal para kasing may mali"


"Alam mo best wag mo kasi laging isipan yan enjoyin mo muna buhay pagkadalaga mo hanggat may time pa dba? Kung ano man yang ikinatataranta mo best ibakasyon mo lang yan kasama yang fiancee mo kasi alam mo stress na stress ka lang kaya mag relax ka muna." Mag sasalita na sana ako ng biglang umalis sa harap ko si sheryl at naunang bumaba.


"Saan ka pupunta sheryl?" Pasigaw na tanong ko


"Best makikipag date lang ako sa love of my life ko" pasigaw na sabi niya hanggang sa hindi ko na siya makita kaya nag simula na din lang ako mag lakad pababa para makapuntang parkingan.


Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni sheryl mag relax na nga muna ako kung sa bagay sembreak naman na stress na stress lang siguro kaya nag kakaganito ako. Teka ngayon ko lang napansin ilang araw na kaming walang time ni maviric a teka san kaya siya mag babakasyon? Uuwi kaya siya sa family niya? O mag out of town?. Eto na naman ako nag iisip tinignan ko ang relo ko 4:30pm na pala kaya nung nakarating ako sa parkingan inistart ko ang makina at nag simulang mag drive mag grocery na lang muna ko mag hahanda ako ng dinner.


Ilang minuto lang andito na ako sa supermarket kumuha ako ng cart at nag simula ng kumuha ng mga kakaylanganin kong sangkap sa lulutuin ko kumuha na din ako ng cook book para mas sure na tama ang gagawin ko. Kumuha na din ako ng mga snacks, juice, beer, gatas lahat ng makita ko kinukuha ko pero hindi ko naman to lahat kailangan napabuga na lang ako ng hangin at nakuha ng atensyon ko ang napkin. Teka teka kelan pa ako huling dinatnan? Teka nga lang KELAN??? Nanlaki ang mata ko at mas lalong kinabahan kumuha ako ng 3 packs ng napkin at nag deredretso sa counter para bayaran ang mga pinamili ko. Hindi ako mapakali sa nang yayari saakin kailangan kong bumili ng pregnancy test fuck my life.


COME AND GET ME BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon