Clara's POV
What time is it? Summer time!
Yes bes, summer na. Summer na summer pero tag ulan. Bakit ganito!!! Hindi ako makalabas dahil sobrang lakas ng ulan.
Nagtimpla ako ng kape tapos nagtungo sa aking kwarto.
Binuksan ko ang laptop ko, pagkabukas pa lang ay makikita na sa background ang isang litrato ko noong bata pa lang ako.
Minsan parang gusto mong bumalik sa pagiging bata, yung tipong wala kang iniisip, yung walang problema.
Pero life goes on, hindi naman pwedeng forever kang bata.
Pero minsan unfair din ang life, kapag masaya ka mabilis ang takbo ng oras. Kapag malungkot ka para bang hindi gumagalaw ang oras.
Tama na nga ang emote Clara.
Nilibang ko ang sarili ko sa pagsusulat ng mga nobela, dito nailalabas ko ang mga nararamdaman at saloobin ko na hindi ko masabi sabi sa iba.
Nakakawala ng stress, nakaka bawas ng problema.
Minsan naisip ko na sana ang buhay ay nobela na lang, na kung saan tayo ang gagawa ng sarili nating istorya, kung saan walang sakit, hirap at problema.
Pero naisip ko din, parang walang saysay ang buhay kapag palagi na lang saya at ligaya.
BINABASA MO ANG
Click ur hart (Taglish)
Teen FictionSometimes, time and distance isn't a reason to fall out of love. Sometimes, it just makes them fall in love even harder. And that what is meant to be, always finds a way. Truly, fate brings two people together, at the most unexpected time...