Chapter 2- Click it

26 1 0
                                    

Clara's POV

Habang nag aayos ng kwarto, biglang may nahulog. Pagkapulot ko ay nakita ko ang isang picture ko noong graduation day namin.

Salamat at tapos na ang paghihirap ko. This is not the end but rather, only the beginning. Another chapter. I just graduated college last month, sobrang sarap sa pakiramdam. Para akong nananaginip.

"Mendez, Clara F.
Cum laude
BS in Pharmacy."

Ah! Thank you papa God. I know that all my hardwork has paid off! Pati na din kila mama at papa. Sobrang saya ko ng araw na yan, para akong nabawasan ng isang malaking tinik.

After ko maglinis, i opened my laptop to check if nag message na yong review center na pinag enroll-an ko.

Then bigla ko naisipan yung sinabi ni Jenny na bagong website na "Click ur hart". Maitry nga ito.
Ang baduy pero, why not. Dati kasi wala akong oras sa ganito dahil panay ang aral.

Pagka open ko ng website, gumawa ako kaagad ng account ko. Pero hindi ko ginamit ang tunay na pangalan ko. Ginamit ko lang yung second name ko then the rest inimbento ko na. Mahirap na, alam niyo naman sa panahon ngayon.

Andrea Clara Fontanilla. Bongga diba?

Maya't maya.. May nagchat.
"Hi." From mister Ken Timothy Madrid.

What? Ken?! Sa lahat ba ng pangalan yan pa?

"Hello." Reply ko dito.

"Hehe, ang cute ng name mo." He said.

Oh wow! Pare-pareho talaga ang mga lalaki. Mahilig mambola! Sige bola pa more!

"Ah thank you." Sabi ko.

"Walang anuman. Meron ka ba ginagawa? Baka nakaka istorbo ako."

"Wala naman. Sa totoo lang sobra akong naboboring dito. Gusto kong lumabas pero wala eh, umuulan."

"Uhm, sayang naman. Taga saan ka ba?"

"Dito lang sa Pilipinas."

"Ako taga Pilipinas din, pero nasa States na ako ngayon."

Biglang bumalik lahat ng sakit.

Flashback...

"Ken, may dapat ka bang sabihin saakin." Kalmado kong sabi.

"Ha? W-wala naman."

"O gusto mo saakin pa mismo manggaling?"

"Clara, Ano ba yang pinagsasabi mo?"

"Alam mo mas masakit na itinago mo sakin. Maiintindihan ko naman eh, at para mapag handaan ko man lang sana. Paano kapag hindi ko pa to nalaman kay Josh? Ha? Pinagmukha mo akong tanga!"

Nagulat siya, namutla at hindi makapag salita.

Tahimik lang siya at panay sorry saakin.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo..."

Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko, sobra akong nasaktan, kaya nakipag hiwalay na ako sakanya.

"Clara pwede pa naman natin to maayos."

"Maayos? Paano? Sa tingin mo magwowork pa to? Magkasama tayo pero natago mo to, Paano pa kaya pag nasa ibang bansa ka na?" Umiiyak kong sabi.

Nang palapit na siya, bigla ako umalis, sakto may bus.

Hinabol niya ang bus na sinasakyan ko, hanggang sa makalayo na ito.

Click ur hart (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon