Clara's POV
"Clara tara kain tayo after? My treat." Sabay ngiti.
Maya't maya nagsalita ulit.
"Alam ko namang hindi ka makakatanggi." Sabay tawa.
"Uhm sige na nga Lloyd. Kulit mo talaga." Makulit kasi talaga etong lalaking to. Kaya sige oo na lang. Alam ko namang hindi ako tatantanan neto.
"Nga pala bes, mauna na ako ha. Uuwi ako saatin ngayon, may emergency naospital si mama eh." Nag aalalang sabi ni Jenny.
"Bes baka gusto mo samahan na lang kita?" Tanong ko dito.
"Hindi na bes kaya ko na to. Sige mauna na ako ingat ka dito."
"Ingat ka bes." Sabay beso beso.
Sana maging maayos na si tita. Kung ano man ang dahilan ng pagka ospital nila, alam ko magiging maayos din.
"Tara na Clara my loves." Sabay akbay saakin.
"Ano ba Lloyd!" Pasigaw kong sabi.
Makulit talaga to, kung hindi ko lang to kaibigan baka nasuntok ko na to.
"Tara na gutom na gutom na ako." Nakasimangot niyang sabi.
Kinuha ko ang bag ko at umalis na sa loob ng room.
Hinabol ako ni Lloyd.
"Uy grabe naman nang iiwan nang iiwan?" Tanong niya.
He's my friend nung elementary. Makulit talaga to noon pa. Di pa rin nagbabago. Kami palagi ang magkasama, kaya naman akala nila bading siya. Ngayon lang ulit kami nagkasama actually, pagdating namin ng high school, lumipat na sila dito sa Baguio at bihira na kami mag usap.
Mag classmate kami sa review center, pharma din pala ang kinuha niya. At sakto dito din siya nagpa enrol para sa board.
Pagkarating namin sa Korean food house..
"Nga pala anong nangyari sainyo ni Ken?"
"Ah yun? Wala na yun."
"Oo nga tinatanong ko kung ano ang nangyari."
"Alam mo naman diba lumipat na sila sa ibang bansa?"
"Ano??? Hindi ko alam yan ah."
Hahaha kaya pala pinagkakamalan din siyang bakla, minsan para siyang bakla magsalita.
"Ngayon alam mo na."
"Alam mo hindi ka pa din nagbabago. Pilosopo ka pa din. 2015 na bes!"
"Alam mo ikaw hindi ka pa din nagbabago. Makulit ka pa din. 2015 na bes!" Pang gagaya ko dito.
Ilang minuto ang lumipas, andyan na ang order namin. Yuuuuum!!!
Pasimula na kami sa pagkain pero si ate waitress nakatitig saaming dalawa at naka ngiti.
"Ahm excuse me po miss?" Tanong ko.
"Alam niyo ang ganda niyong panuorin, bagay na bagay kayo. Ganyan din kami dati ng asawa ko nung magkasintahan pa lang kami." Kinikilig niyang sabi.
Nagtitigan kaming dalawa ni Lloyd, habang nakakunot ang noo.
"Ah opo ate. Bagay na bagay talaga kami netong girlfriend ko. Maganda at gwapo." Pagkukunwari ni Lloyd.
Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng table.
"Napaka swerte ko nga po sakanya eh. Hindi lang maganda, kundi maalaga, matalino at maintindihin pa." Dagdag pa niya.
"Alagaan niyong mabuti ang isa't isa." Sabay alis ni ate.
Sinimulan na ni Lloyd ang pagkain at mukhang tuwang tuwa.
"Alam mo ikaw loko loko ka talaga. Akala tuloy ni ate tayo talaga."
"Oh tapos? Ayaw mo yun artistahin ang boyfriend mo?" Pagmamayabang niya habang hinahaplos haplos pa ang mukha niya.
Naibuga ko sakanya ang kinakain ko.
"Ano ba kasi yan Lloyd wag ka nagbibiro ng ganyan, ayan tuloy." Sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Pero hindi ko napigilan kaya naman naibuga ko ulit sakanya ang iniinum kong tubig.
Hindi ko napigilan ang tawa ko.
Hahahahaha!!!!!
Nagtungo siya sa CR para maghugas.
Tawang tawa pa din ako.
BINABASA MO ANG
Click ur hart (Taglish)
Teen FictionSometimes, time and distance isn't a reason to fall out of love. Sometimes, it just makes them fall in love even harder. And that what is meant to be, always finds a way. Truly, fate brings two people together, at the most unexpected time...