Clara's POV
May 20, 2015
Papunta kami ni Jenny sa Baguio, first week of June na ang start ng review namin for the board.
Kaloka talaga tong kaibigan kong to, daming dalang bagahe akala mo kung bakasyonista.
"Mahal, ang lamig. Payakap naman oh." Paawa effect pa si Ken.
"Ayoko pilitin moko!" Pang aasar ko dito. With belat pa 😝
"Sige na mahal!!!!" Kunwari umiiyak na parang bata.
Aba pwedeng pwede na mag artista. Hindi lang pogi, magaling pa umarte ang mahal ko.
"Sige na nga oh wag na iyak ang baby ko." Niyakap ko siya with matching kiss pa!
---
"Hoy bes!" Sigaw ni Jenny habang inaalog ako.
"Hoy Clara praning ka talaga!" Sigaw pa neto.
Nakatulog pala ako!
"Bes naman pati bag mo hinahalikan mo na. Kadiri naman this girl." Daldal pa neto.
Ay shocks! Nananaginip na pala ako. Akala ko si Ke... Oo si Ken.
Ang sarap yata ng tulog ko, karating na kami ng Baguio. Buti pa dito kahit summer malamig.
Bumaba kami ng van at nagtaxi papunta sa apartment na tutuluyan namin ng dalawang buwan.
"Bes natatae na ako!" Natatarantang sabi ni Jenny.
"Oh ano ngayon? Hawak ko ba ang inidoro?" Sagot ko.
"Hay ewan ko sayo! Dalian mo na lang!" Naiinis na sabi niya.
Hahaha ayan kasi ang takaw takaw mo ayan tuloy.
Habang tumatakbo ako *kaboom*
Napatumba ako, nang iabot niya ang kanyang kamay..
"Miss, nasaktan ka ba? Sensya na ha." Nag aalala niyang sabi.
"Nathan?"
"Clara?"
Sabay naming bigkas."Ikaw pala! Kamusta na? Long time no see!" Sabi ko.
"Oo it's been 2 years since we last saw each other?"
"Talaga? Oo nga. Ang bilis no 2 years na pala."
"Ang bilis lang ng panahon. Nga pala ano ginagawa mo dito? Balita ko graduate ka na? At hindi lang yun, Cum laude pa."
"Haha salamat! Actually kararating namin ni Jenny, next week na start ng review namin para sa board."
"Oh wow Goodluck sainyo. Nga pala, Jenny? Yan ba yung kaibigan mo dati pa nung high school?" Tanong niya. Hmm I smell something fishy.
"Yep, why?" Binigyan ko siya ng Killer smile.
"Pakamusta moko sakanya. Sige I gotta go! Mag iingat kayo." Kumaway siya habang patalikod na.
Isa si Nathan sa matalik na kaibigan ni Ken. Siya palagi ang nag aaya ng inuman sakanilang magbarkada. Syempre may tiwala naman ako kay Ken kaya pinapayagan ko siya tuwing nagpapaalam saakin.
Flashback...
11:30 na ng gabi nang may nag doorbell. Sakto nasa sala ako nun gumagawa ng research.
Sino ba naman ang bibisita ng ganitong oras. Gabing gabi na.
Pagbukas ko ng gate ay nakita ko si Ken na nangangamoy alak.
"Hello mahal kong Clara!" Sabay buhat saakin.
"Ano ba Ken ibaba moko. Gabing gabi na bakit andito ka pa? Lasing ka pa oh."
"Namiss lang kita." Sabi niya habang nagpapacute.
"Halika nga dito." Ang bigat. Hinila ko siya papasok ng bahay.
"Wag ka maingay baka marinig nila mama." Bulong ko.
Agad ko siyang pinasok sa kwarto ko. Maya maya bigla siyang nagsuka.
Sploosh!!!!!!!!!!!
Waaaah jusko pasalamat ka mahal kita.
Kumuha ako ng planggana na may maligamgam na tubig at towel.
Pinahiga ko siya at pinunasan ang katawan niya.
"Ang Ganda mo." Bigla siyang nagsalita. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa magsalita ulit.
"Saakin ka lang. Saakin lang." Dugtong pa niya. Maya't maya ay nakatulog na siya.
Hinalikan ko ang noo niya. Ang gwapo niya pa din kahit natutulog.
"Bes? Ano nanama't nakatunganga ka dyan?" Tanong ni Jenny.
Panira talaga ng moment to.
Pumasok na ako sa room.
"Jenny, kilala mo pa ba yung kaibigan ni Ken?"
"Alin dun? Dalawa ang kilala ko eh."
"Si Nathan."
"Yup kilala ko pa siya. Why? Napanaginipan ko siya kagabi. Actually panaglawang beses na yung kagabi."
"Ay talaga? Naku bes ha baka siya na ang forever mo!" Pang aasar ko.
Tumawa lang siya.
Matapos naming mag ayos ng mga gamit ay namasyal kami. Almost 3 hours din kaming naglakad lakad. Kapagod ha, halos paakyat pa naman lahat ng nilakaran namin.
BINABASA MO ANG
Click ur hart (Taglish)
Ficção AdolescenteSometimes, time and distance isn't a reason to fall out of love. Sometimes, it just makes them fall in love even harder. And that what is meant to be, always finds a way. Truly, fate brings two people together, at the most unexpected time...