Work work work again. Kailangan kumayod, para makauwi din ng Pinas. Miss ko na mga barkada ko, at syempre si Clara. Sana okay ang kalagayan niya ngayon.
Hindi naman masama kung hanggang ngayon umaasa pa din ako diba?
Pagkauwi ko galing trabaho, nag open ako ng Facebook.
Pinuntahan ko ang profile ni Clara. Mas lalo siyang gumaganda. May boyfriend na kaya siya? May bago na kaya siyang mahal?
Nag open ako ng click ur heart. Sakto online si Andrea.
"Hello Andrea!"
"Oh, hi Ken!"
"Kamusta ka? :)"
"Eto same same. Walang magawa haha. Ikaw ba kamusta?"
"Eto pagod kakatapos ng work. Kauuwi ko galing hospital."
"Baka need mo muna magpahinga :)"
"Oo pero ayos lang, usap lang tayo. Nga pala may gusto sana akong tanungin."
"Sure, what's that?"
"Meron kasi akong ex, sa totoo lang, mahal ko pa siya ngayon."
"Uhm, what about it?"
"Sa tingin mo masaya na siya ngayon? Nakikita ko kasi mga posts niya. Parang masaya na siya."
"Oh ayaw mo yun? At least masaya na siya, dapat masaya ka din para sakanya. Minsan ganyan talaga. Kailangan na lang natin maging masaya para sa kaligayahan ng mga taong mahal natin."
"Pero ang masakit dun, sa iba na siya ngayon masaya."
"Alam mo sa totoo lang, pareho tayo ng sitwasyon."
"Papaanong pareho tayo?"
"May ex din ako, at mahal ko pa din siya. Mahal na mahal."
"Naku mukhang napag iiwan yata tayo."
"Pero mabuti na lang malayo siya saakin, nasa ibang bansa din siya eh. Pero yun lang, hindi kami maghihiwalay kung hindi dahil sa pag punta nila ng ibang bansa."
Ayos din ah. Same kami ng sitwasyon. Alam ko sobrang hirap para sakanya Ito. Alam ko kung gaano kasakit, dahil naramdaman ko din.
"I'm sorry Andrea..."
"You don't have to be sorry, ano ka ba. That's life."
"Actually, I'm trying my best to move on. Pero parang ang hirap. Parang mas lalo ko pa siyang hinahanap hanap."
Everyday, todo kayod ako sa work. Nag iipon, at nagbabaka sakaling pagbalik ko ng Pilipinas, ay mabigyan pa ako ni Clara ng isang chance.
Pero parang napaka imposible.
"Mahirap kapag minahal mo talaga ng totoo ang isang Tao.."
"Oo hindi lang mahirap, sobrang hirap." Reply ni Andrea.
Mahirap naman talaga, kapag nagmahal ka. Hindi palaging kasiyahan, may mga pagkakataon na nagkaka problema, minsan hindi nagkaka intindihan, minsan nagkaka sakitan, pero in the end, papatawarin niyo rin ang isa't isa.
Nakaka miss ang magkaroon ng girlfriend. Yung wala kang ibang iniisip kundi siya. Yung todo alaga ka sakanya. Yung makita mo lang siya na tumatawa, masaya ka na.
Flashback...
Habang nakaupo kami sa beach, nanunuod ng sunset.
Isa ito sa hindi ko malilimutang araw na pagsasama namin.
"Ken, balang araw kapag may trabaho na tayo, pwede na nating gawin ang lahat ng mga bagay na gusto natin."
"Oo naman mahal, lahat. Kaya wag ka mag alala, magtatrabaho akong mabuti, mag iipon, tapos lahat ng gusto mo, ibibigay ko." Hinalikan ko siya sa noo.
"Talaga ba mahal? Lahat?"
"Oo pangako ko yan mahal." Hinalikan ko naman ang nose niya.
"Paano kapag gusto ko yung buwan? Maibibigay mo ba?" Tanong niya.
"Ikaw talaga pilosopo ka ha! Talo mo pa si Pluto!" Sabay kiss ko ang buong face niya.
Ang hilig niya talagang pilosopohin ako. Yung imbis na maasar ka, kikiligin ka pa.
Naligo pa kami nyan sa beach, umuwi kaming basang basa. Sakto naubos ang pera namin, kaya ang labas nyan, naglakad kami pauwi.
BINABASA MO ANG
Click ur hart (Taglish)
Teen FictionSometimes, time and distance isn't a reason to fall out of love. Sometimes, it just makes them fall in love even harder. And that what is meant to be, always finds a way. Truly, fate brings two people together, at the most unexpected time...