Chapter 4- Jenny

16 1 0
                                    

Nag ring ang doorbell..

Ding dong. Ding dong.

Nagmadali akong bumaba, pagkabukas ko ng gate, si Jenny ang nakita ko.

Niyakap niya ako.

"Hi bes!" Sabay pasok na sa bahay. Iniwan akong nakatayo sa may gate.

Aba! Kapal talaga ng babaeng yun. Hahaha!

"Nga pala bes, may dala akong pizza!"

Omg my favorite! Yellow cab pizza with chicken Alfredo pasta!

"Wow may Alfredo pa! Thanks bes love mo talaga ako." Sabay kuha ko sa pasta.

"Oo, alam ko bagot na bagot ka na dito. Kaya naisipan kong dumalaw, Baka mabaliw ka pa."

"Alam mo ikaw OA ka talaga ano? Wala kang katulad!" Sabi ko, nilakihan ko pa ng mata.

"Magkwento ka naman. Kamusta ang taong bahay?"

"Nga pala bes!"

Ang lakas yata ng pagkasabi ko, nabitawan niya yung pizza na hawak niya.

"Kaloka ka naman! Ang lakas ah. Ang lakas. Parang sampung kilometro ang layo ko sayo ah. Iba ka infairness!"

Haahahaha naexcite lang ako..

"Nga pala may sasabihin ako."

Biglang lumapit saakin si Jenny. Kaloka chismosa talaga to.

"Alam mo yung sinabi mo saakin na Click ur hart?"

"Yes, what about it? Natry mo na ba?"

"Yup natry ko na, actually meron akong kachat dun, limang araw ko ng kachat."

"Naku bes ha! Baka dyan mo na makikilala ang forever mo!"

"Tumigil ka nga. Ayoko! Parang ang babaw naman kapag dito ko makikilala ang forever ko. Ni hindi ko nga alam ang itsura neto."

"Hmm sabagay. Pampalipas oras mo lang naman habang wala kang magawa."

"Actually ako din bes! Hindi ko pa ba nasasabi sayo?"

"Ang alin?"

"May kachat din ako dyan, si Dave. Nasa texas siya, pero Pilipino din."

So mahigit isang buwan na pala silang magkausap. Nabanggit na niya saakin before pa ng graduation namin.

Akalain mo yun tumagal ng isang buwan.

Choosy kasi tong kaibigan ko. Meron na din namang naging boyfriend pero hindi nag tagal.

Naku eto na yata ang pinaka choosy sa lahat!

Palagi nag dadrama saakin bakit wala siyang boyfriend. Eh alam naman na niya ang dahilan kung bakit.

Palagi kong sinasabi sakanya, walang lalaking perfect. Lahat may flaws, imperfections, weaknesses at higit sa lahat nagkakamali.

Na ang tawag sa lalaking hinahanap niya, imposible.

Pero naniniwala ako na kapag
dumating na yung taong para sakanya, magbabago din ang pananaw niya.

Click ur hart (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon