Ken's POV
Hindi ako makatulog. Mag 1 am na, kailangan ko ng matulog dahil may duty pa ako bukas ng umaga.
Dalawang oras na mula nang humiga ako pero hindi talaga ako makatulog.
Psychology says, kapag hindi ka makatulog may nag iisip daw sayo?
Kung totoo man, sino kaya?
Kinuha ko ang headset ko at nagpatugtog baka sakaling makatulog ako.
"She's always on my mind
From the time I wake up 'til I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I knowAnd though she's so far away
It just keeps gettin' stronger, every day
And even now she's gone
I'm still holding on
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her goMaybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows"Araw araw ko pinagdadasal na sana dumating ang araw na bumalik kami sa dati. At kung mabigyan man ako ng isa pang pagkakataon, hinding hindi ko yun sasayangin. At sana nga ay mapagbigyan ako ng Diyos.
Minsan naiisip ko na baka ganito nga talaga. Minsan kung may mga bagay tayong gusto, hindi ito binibigay ng Diyos dahil mayroong mas maganda pa siyang gustong ibigay sa mga hinihiling natin.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kakaisip kung masaya na kaya siya sa iba? Minsan talaga nagiging madamot tayo, lalo na't pagdating sa mga taong mahal natin.
Naniniwala ako may dahilan ang lahat ng bagay kung bakit ito nangyayari.
"Ken, namiss kita." Sabi saakin ni Clara at halata sa kanyang mukha na tuwang tuwa siya.
"Mas namiss kita ng sobra sobra." Niyakap ko siya.
"Wag mo na ulit ako iiwan ha?" Sabi niya habang magkayakap ka din kami.
"Oo naman, wag ka mag-alala hinding hindi na kita iiwan." Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit.
"Talaga ba? Promise?" Kumawala siya sa yakap ko. Tanong niya habang nakasad face.
"Pangako ko yan mahal. Pangako.." Hinalikan ko siya sa noo.
Bigla akong nagising. Nakatulog na pala ako. Mag 4 am na.
Panaginip lang pala. Minsan talaga mas gusto ko na itulog na lang, mas malaki ang chance na makasama ko siya, kahit sa panaginip man lang.
Clara's POV
Good morning Saturday! Hay sobrang lamig! I need yakapsule. Char!
Niyakap ko ang unan ko, Ken miss na miss na miss na kita. Kung alam mo lang.
Nag open ako ng facebook.
Stalker mode: ON
Naku mas lalong pumopogi si papa Ken ko. Hinalik halikan ko ang cellphone ko. Ang pogi kasi talaga ng nasa screen ko. Gawin ko nga itong wallpaper.
Nagdownload ako ng mga pictures niya. Maya't maya, naisip ko na baka mas lalo lang ako masaktan dito? Na hanggang ngayon umaasa pa din ako?
Malamang sa malamang may girlfriend na to. Ang dami kayang mga magaganda't sexy sa states.
Hay bahala na si superman. Basta isa lang ang alam ko, mahal pa din kita Ken.
I opened click ur heart.
To: Ken Timothy Madrid
"Hi Ken! :)"
"Hello, Andrea! Mukhang ang ganda yata ng mood natin ngayon ah? ;)"
"Ah hehe hindi naman. Sad nga ako ngayon eh."
"Why bakit ka sad?"
"Bigla kong namiss yung ex ko."
"You know what, same talaga tayo. Hindi ko lang miss yung ex ko, miss na miss na miss."
"Alam mo, parang mas masakit yata na hanggang ngayon, naghihintay pa din tayo? Kahit walang kasiguraduhan na babalik sila?"
"Kaya nga im really trying my very best to move on, pero wala ayaw talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"I feel sorry for myself, alam mo yung gustong gusto ko na siyang kalimutan pero ayaw eh. Ayaw talaga. Parang may nagpupush saakin na, you know. I can't explain it. Hindi ko na talaga maintindihan."
"Im very sorry Andrea, i can't give you an advice, ako mismo hindi ko rin alam ang gagawin :("
"That's okay ano ka ba, i feel you."
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa nagpaalam na siya dahil back to work na ulit.
Napag isip ko na maglakwatsa na lang dahil baka mamatay ako dito sa kaboringan.
BINABASA MO ANG
Click ur hart (Taglish)
Fiksi RemajaSometimes, time and distance isn't a reason to fall out of love. Sometimes, it just makes them fall in love even harder. And that what is meant to be, always finds a way. Truly, fate brings two people together, at the most unexpected time...