Taehyung's Pov
Langya naman 'tong escalator na 'to oh! Napakabagal umandar! Sisisihin ko to kapag nagalit sakin si Marianne.
Nang pagkatapos naming sumakay sa escalator tumakbo kaagad ako sa lugar kung saan yung meeting place. Nakikita ko na yung likod ng love ko!
Dahan-dahan akong lumapit sakanya at binack-hug siya.
"Peste ka Taehyung, naiinis ako sayo. Wag mo kong ganyanin." Halatang badtrip siya dahil sa tono ng boses niya.
Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Konti nalang, bibigay din 'to.
"Sorry na, wag ka nang mainis love. Gusto lang naman naming magmukhang tao kapag kaharap namin kayo." Sweet na tono na sabi ko sakanya. Hindi ako sanay na nanunuyo, pero para sa taong mahal ko gagawin ko.
Humarap siya sakin at niyakap ako. Sabi ko sainyo, bibigay din yan. Hindi niya kayang tiisin yung gwapong katulad ko.
"Bwiset ka talaga Tae, alam mo kung paano ako susuyuin."
"Ehem paalala lang, nasa mall tayo guys." Pagpapa-alala samin ni Namjoon-hyung.
Walang may pake, kayakap ko yung babaeng mahal ko eh.
"Tumigil na nga kayo diyan! Halika na nga dito Marianne, mamaya na kayo maglandian ng boypren mo!" Hinila na siya palayo sakin ni Diane. Istorbo naman eh!
Pano kami magkakaron ng quality time ni Marianne kung ganito yung mga kasama namin?! Dapat pala kaming dalawa nalang ang lumabas eh.
"San tayo Taehyung?"
"San niyo ba gusto?" Tanong ko sakanila.
"Kain muna tayo? Tara sa food court." Hinila ko si Marianne tsaka hinawakan sa kamay. Ininterwined ko ang kamay namin, wala akong paki kung maraming taong tumitingin samin. Baka mga naiinggit lang sila.
"Love?"
"Hmm?"
"Pinagtitinginan kasi tayo ng mga tao. Pwede bang wag tayo dito magholding-hands?" Tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanya.
"Ano naman? Wala silang paki satin. Mas pagtitinginan nila tayo kapag ginawa ko 'to." Lumapit ako at hinalikan siya sa lips. Smack lang naman.
BINABASA MO ANG
ballpen | kim taehyung
FanfictionBOOK 1: Ballpen + Marianne just chatted you, ❝Ballpen po. Bili ka na, may iba't-ibang kulay.❞ BOOK 2: Liquid Eraser + Marianne just chatted you, ❝Let's end this.❞ bangtanga series #2• highest rank achieved: #21 in short story• started: 052917• book...