41

407 30 6
                                    

Taehyung's Pov

Nasa ospital parin kami, ilang araw nang tulog si Marianne at ilang araw na rin ako umuuwi, walang maayos na tulog at kain. Ayokong umuwi, ayokong kumain, ayokong matulog. Gusto ko nasa tabi lang ako ni Marianne hanggang sa magising na siya. Sabi ng doktor masyado daw naging mabilis yung proseso ng sakit ni Marianne kaya nagkaganito siya.

"Taehyung kumain ka muna." Naramdaman ko ang marahang pagtapik saakin.

Tiningnan ko ng walang gana si Jimin. "Ayoko, hindi ako nagugutom. Dito lang ako."

"Malulungkot si Marianne kapag nagising na siya at makikita kang ganyan." Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Jungkook.

"Iwan na muna natin sila."

Tumingin ako sa pintong nilabasan nila at siniguradong kaming dalawa nalang ni Marianne.

"Kailan ka ba gigising love? Miss na kita, miss ka na ng barkada. Gumising ka na please. Sabay tayong lalaban, lalabanan natin yang napakasama mong sakit." Yumuko ako at hinawakan ang kamay niya.

Araw-araw nalang ba akong iiyak? Ang sakit na kasi eh. Sobrang sakit habang tinitingnan ko siyang nakaratay dito sa hospital. Wala man lang ako magawa. Kung pwede lang kunin ang lahat ng sakit ng nararamdaman niya, matagal ko nang kinuha.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Marianne. "L-love? G-gising ka na ba?" Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mata.

"T-taehyung.." Ngumiti siya saakin ng pagkatamis-tamis. I miss her smile.

"M-marianne gising ka na." Marahan ko siyang niyakap.

"Tatawagin ko lang sila para malaman nilang gising ka na." Palabas na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang umiling.

Bumalik ako sa upuan ko. "W-why love?" Sumenyas siya saakin na lumapit ako sakanya.

"I-I l-love y-you T-tae.." Hinalikan niya ako sa labi.

"P-please t-take c-care of t-them.." Ngumiti siya saakin at kasabay non ay ang pagpikit ng kanyang mata.

Handa na ba ako?

---

Anyare? :(

GUCCIBOI- salamat sa cover! Yieee ganda! :*

ballpen | kim taehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon