13

473 27 12
                                    

Jimin's Pov

Papunta na ako kila Marianne, sunduin ko daw siya para sabay kaming papasok. Hindi ko naman sinasadya na pumayag sa pagpapanggap na 'to, eh. Tsaka ko lang naisip na mali pala, dapat pala hindi ako pumayag. Pero huli na, eh. Binawi ko naman pero ayaw kasi ni Marianne, eh. Pinagkakatiwalaan niya ako at ayokong masira yon. Tuluyan na akong pumayag para hindi gumulo pa, naiintindihan ko naman siya. Iniisip ko parin naman yung pagkakaibigan namin ni Taehyung, kahit papaano may pinagsamahan kami. Selfish man yung dating ni Marianne don, pero pilit ko paring iniintindi dahil nga sa sakit niya. Pero wala eh, hindi ko kayang mawala yung pagkakaibigan namin ni Marianne. Alam ko naman na maiintindihan ni Taehyung kapag nalaman na niya yung totoong dahilan ni Marianne. Darating din siguro yung araw na masasabi na niya sa mga taong mahal niya yung sakit niya.

Ako nga lang at ang magulang niya ang nakaka-alam ng sakit niya. Ayaw niyang sabihin sa mga kaibigan niya kasi ayaw niya daw maging pabigat at marami na daw silang iniisip tapos dadagdag pa siya. Sa totoo lang, naaawa ako may Ianne kasi kailangan niyang mag-sacrifice para lang hindi siya maging pabigat.

Ilang beses ko na siyang pinipilit na sabihin kay Taehyung yung karamdaman niya pero bigla niyang chinichage-topic kapag napag-uusapan yon.

Bahala na kung anong pwedeng mangyari. Basta kailangan ngayon ni Marianne ng masasandalan.

Natanaw ko na si Marianne sa hindi kalayuan, nasa tapat siya ng gate nila, hinihintay na ata ako.

Pero bago man ako tuluyang makalapit kay Marianne, may natanaw ako sa gilid ng puno na isang lalaking naka-hoodie. Pero bigla din itong umalis nang titigan ko siya. Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na pinansin yung kaninang lalaki.

"Why did you take so long?" Irita niyang sabi. Isa pa yan sa mga isang sintomas ng sakit niya. Mabilis siyang mairita o mapikon. Wala naman akong magagawa kundi intindihin siya.

"Sorry, alam mo naman na mahirap tong hiniling mo. Kinausap ko pa yung sarili ko kung pano natin to mairaraos."

"Fine, pasalamat ka at malakas ka saakin." Ngumiti lang ako sakanya.

Nag-abang na kami ng taxi. "Maglakad nalang kaya tayo? Malapit lang naman yung university dito Chim." Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Alam mong hindi pwede Marianne, pwede yang makalala sa sakit mo." Nag-pout lang siya saakin.

Sakto naman ay may dumaan nang taxi, agad ko na itong pinara para makapasok na kami.

***

Nang makarating na kami sa University samu't-saring salita ang mga naririnig namin kesyo bakit sila magkasama kesyo hiwalay na daw sila ni Taehyung kesyo malandi daw at kung ano-ano pa. Hinawakan ko nalang nang mahigpit ang kamay ni Marianne para malaman niya na nandito lang ako sa tabi niya.

"Chim tama ba 'to?" Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"I mean 'tong pagpapanggap natin?"

Hinawakan ko siya sa balikat at iniharap saakin. "Sshh hayaan mo lang sila. Wag mong intindihin yung mga pinagsasabi nila, at alam mo ang totoong dahilan."

Napabungtong-hininga nalang siya. "Tara na?" Tumango siya saakin bilang sang-ayon.

Nakarating na kami sa tapat ng room niya. Hindi kasi kami magkaklase sa subject na 'to. Silang dalawa lang ni Diane ang magkaklase sa subject.

"Dito ka na okay? Mag-iingat ka, wag kang magpapagod at mas lalong inumin mo yung gamot mo sa tamang oras nako pag ika—"

"Anong gamot? Para saan Marianne?" Nagkatinginan kami ni Marianne.

"Ah Diane kasi ano m—"

Pinutol na ni Ianne ang dapat kong sasabihin. "Vitamins yon, alam mo na para maging masigla uli ako." Kinurot niya ako ng mahina sa tagiliran. Aish this woman!

"O-oo Diane yun talaga yon, naging matamlay kasi siya this past few days hehe." Sinubukan kong hindi mautal para mapagtakpan lang si Marianne.

"Ah okay. Ano Marsie pasok na tayo?" Tumango si Marianne sakanya.

Pero bago man sila makapasok ay nagsalita ako. "Diane please take care of her, she's fragile."

Nanlaki ang mata ni Marianne dahil sa sinabi ko.

What? Wala naman akong sinabing masama ah.

"Tss oo na! Ako bahala dito. Hindi ko hahayaan na saktan uli 'to ng kaibigan mong tarantado." Mukhang iba naman ang pagkakaintindi ni Diane sa sinabi ko, ang pagkakaintidi niya siguro ay baka umiyak na naman si Marianne dahil sa nangyari.

Napakagat-labi nalang si Marianne. Akala niya iba ang ibig-sabihin ni Diane.

"Ge na, late na rin ako. Bye Diane, bye BABE." Diniinan ko pa talaga yung babe.

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa pero bago ako makalagpas sa pintuan nila ay may natanaw na naman akong lalaki na nakasilip sa likod ng pader pero nang makita niya ako ay bigla din itong umalis.

Weird huh? Pangalawang beses ko nang may nakikitang nakabantay sa bawat galaw namin ni Marianne. Who the heck is he?

***

A/E: Puahahaha sino yon gais? May naiisip ba kayong kahina-hinala?

Alam niyo yung nakaka-inis?! Naclear-data lang naman yung wattpad ko! Nabura tuloy yung mga iba kong tinaype na chapter dito! Hindi ko kasi binubuksan yung wifi ko kapag nagtaype, kasi kapag naka bukas ang naming nagnonotif! Tas biglang namatay! Saklap diba?!

ballpen | kim taehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon