26

427 28 15
                                    

Taehyung's Pov

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung araw na may inilihim sila saakin. No one dare to tell me the truth. Kahit na lagi kaming magkakasama. Kapag tinatanong ko sakanila yon bigla silang maguusap-usap lahat, ayaw na ayaw nilang pinag-uusapan yon. Tsaka pala hindi na nami nakakasama lagi si Jimin, parati kasi siyang nasa tabi ni Marianne. Walang oras na hindi niya kasama si Marianne. Nahihiwagaan na nga ako sa bawat kilos niya eh. Bakit kailangan niya laging nasa tabi ni Marianne? Hindi naman na bata si Marianne para alalalayan. Bigla na nga sumasagi sa isip ko kung bakit niya yon ginagawa. Minsan nga naisip ko na may sakit si Marianne dahil sa mga kinikilos nila. Natanong ko na sila Diane tungkol sa sa tanong na yon, ang sabi naman nila wala. Wala daw sakit si Marianne. Hindi ko nga alam kung maniniwala ba ako kasi sa tingin ko mukhang meron. Sa sobrang putla niya kasi aakalain mo siyang may sakit tapos namamayat pa siya. Pero wala naman daw kaya hindi ko nalang pinansin.

Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa kawalan. Ilang linggo na rin yung nakalipas simula nung nanghingi ako ng second chance kay Marianne. Wala parin, eh. Wala parin siyang sagot, pero naseen naman na niya. Hindi ko alam kung ayaw niya na o sumuko na siya sa pagmamahalan naming dalawa. Sino ba naman kasi ako para pumasok uli sa buhay niya? Ako lang naman yung taong sinaktan siya, yung taong gago na hindi si pinahalagahan. Tsaka may Jimin naman na siya kaya baka hindi na niya ako kailangan sa buhay niya.

"Fuck!" Napatayo sa kinauupuan niya si Jin-hyung.

"Guys puntahan ko lang sandali sila Marianne, dito na muna kayo." Halatang alalang-alala si hyung dahil sa pagmumukha niya.

"Why?! What happened?" Kunot-noong tanong ni Namjoon-hyung. Bakas lahat sa mukha nila ang pag-aalala. Kinunutan ko lang sila ng noo. Ano bang nangyayari?

"Sasama kami Jin." Kalma pero maotoridad na sabi ni Yoongi-hyung.

"Dito na muna kayo, babalitaan ko nalang kayo, huh?" Tumingin siya sakin tapos nag-usap na sila sa mata. Agad na tumango si hyung at tiningnan uli ako.

Pagkaalis na alis ni hyung hindi ko mapigilang hindi magtanong. "Anong meron? Bakit ganyan nalang kayo mag-alala kay Marianne? Wala ba talaga kayong balak sabihin sakin yung totoo?" Isa-isa silang tumingin sakin at sabay-sabay na nagkatinginan.

Tumayo ako at hinampas ng malakas ang lamesa. "Tangina ano ba?! Para akong tanga dito kasi ako lang yung walang alam! Bakit ba hindi niyo masabi sakin?! Ano ba yung lintek na tinatago niyo saakin?!"

Yumuko silang lahat maliban kay Yoongi-hyung. Sinenyasan niya ang lahat na mauna na muna sila. Pagkaalis nila ay lumapit saakin si hyung.

"Dun tayo sa garden."

Pumunta na kami sa garden.

"Taehyung alam kong naguguluhan ka. Pasensya kung hindi namin masabi sayo. Ayaw ka lang namin masaktan. Kaya please, intindihin mo nalang."

Nginisian ko siya. "Hindi ko kayang intindihan hyung. Mababaliw na nga ata ako kakaisip kung bakit kayo nagkaka-ganyan."

Tumingin siya saakin ng seryoso. "Hindi ka manhid Tae, alam kong may hinala ka na sa bawat kinikilos namin. Subukan mong pagtagpi-tagpiin yung mga ginagawa namin, isipin mo kung bakit ganon nalang ang trato namin sakanya. Isipin mo kung bakit naging ganon ang pisikal na anyo ni Marianne." Binigyan ko siya ng what-the-hell look.

"Good luck, malalaman mo din ang kasagutan sa pamamagitan ng sarili mo. Isipin mong mabuti Taehyung. Yun lang ang matutulong ko sayo paps, sana malinawan ka na." Tinapik niya ako sa balikat at umalis na.

Umupo ako at inisip ang mga sinabi ni hyung. Isipin ko kung bakit ganon sila mag-alala, umalalay, yung bawat kilos nila. Si Marianne na pumayat, namumutla at nanghihina.

Napahawak ako sa sintido ko ng mapagtagpi-tagpi ko ang lahat. Namalayan ko nalang ang sarili kong umiiyak.

"N-no, h-hindi pwede." Pilit kong tinatanggi yung nalaman ko. Hindi pwede!

"Hindi! Wala! Walang sakit si Marianne!" Napaluhod ako sa lupa at doon umiyak.

"Tangina! Ang manhid mo Taehyung! Ang tanga-tanga mo, ang bobo-bobo mo! Wala kang kwentang tao!" Pinagsusuntok ko yung lupa hanggang sa mapagod ako.

"Love, bakit hindi mo sinabi sakin?" Tuloy-tuloy parin sa pag-agos yung luha ko.

Sa pagkakataong ito hindi ko na hahayaang si Jimin ang mag-aalaga sakanya. Hindi ko hahayaang mag-isa siyang lalaban. Gusto ko ako, gusto ko ako ang mag-aalaga sa babaeng pinakamamahal ko. Gusto ko sabay kaming lalaban..

Wait for me love.. Sabay tayong lalaban..

---

Ayan na guys! Mukhang malapit na silang bumalik sa dati! Diba yun yung gusto niyo? Pero ganon na nga lang ba kadali ibalik ang dati?

ballpen | kim taehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon