88

480 33 8
                                    

Taehyung's Pov

Break time na namin. Pero wala parin yung barkada.

"Oh tae." Tinapik ako ni Jimin sa balikat tsaka umupo sa mga available na upuan.

Tiningnan ko sila isa-isa pero wala si Marianne.

Taka akong tumingin sa kanila. "Asan si Marianne?"

Sinuntok ako ng mahina ni Jimin sa braso. "Gago, andon sa detension room. Nahuli kasing nagcecellphone habang class hour."

Hindi na ako nagsayang ng oras at tumakbo kaagad ako papunta sa detension. Baka nagugutom na yon, buti nalang dalawang sandwich yung binili ko. Tss, tanga-tanga ka kasi taehyung eh. Siya pa tuloy yung napahamak.

Hindi na ako kumatok pa, dire-diretso lang akong pumasok sa kwarto.

May 6 na tao dito pero puro lalaki. So yung mahal ko lang yung babae dito?!

Nang mahagip ng mata ko ang babaeng nakaubob sa lamesa, agad akong tumakbo at niyakap siya.

"Love. Sorry love. Sorry kung nadetension ka dahil sa kagaguhan ko."

Minulat niya ang mga mata niya. "Sorry din love. Ayaw ko naman talagang mag-away tayo eh. Sinusubukan ko naman gawin yung sinabi mo pero mahirap kasi love."

"Alright, I understand." Hinalikan ko siya sa noo.

May pumasok na teacher sa detension at tiningnan ako ng masama.

"Mr. Kim, what are you doing here?" Takte mapapalaban ako sa english nito.

"Ahm miss Im here to fetch my girlfriend, she's not feeling well. Can we go to clinic now?" 

"Okay, at ikaw Ms. Marianne magpahinga ka." Puta, biglang nagtagalog. Gusto ata ng away ng teacher na 'to eh.

Pagkalabas namin sa DR (Detension Room) dumiretso kaagad kami sa cafeteria. May 30 minutes pa naman para magbrake.

"Oh kumain ka na muna." Iniabot ko sakanya yung dala kong sandwich.

"Thanks love." Ngumiti lang ako sakanya. Nakokonsensya tuloy ako, kasalanan ko naman kasi talaga kung bakit siya nadetension.

Lumapit ako sakanya at isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. "Sorry talaga love. Kasalanan ko ang lahat."

Niyakap ko pa siya ng sobrang higpit. "Okay na nga love diba? Wala na yon."
"Pano ba ako makakabawi sayo?" Mas lalo ko pang siniksik yung mukha ko. Ambango-bango kasi nito ni Marianne eh, amoy chocolate na vanilla! Ang sarap tuloy kainin!

Gago mukhang ang bastos ng dating!

"Wala love, bawing-bawi na lahat dahil sa pinaggagawa mo sakin. Alis na nga diyan, PDA na tayo. Andami pa namang taong nakapaligid satin." Eh ayoko pa! Pero wala akong magagawa, baka may makakita pa saming Teacher dito.

Nang humiwalay ako kay Marianne nahuli ko si Jimin na nakatitig samin pero agad siyang umiwas nung tiningnan ko siya.

Ano ba talagang meron Jimin? Kasi unti-unti ko nalang nasisigurado yung hinala ko sayo.

ballpen | kim taehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon