Chapter 12

31 1 0
                                    

Ada's Pov

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto.Siguro ay binuksan ito ni mama.

"Oh Ada gumising kana dyan at mag-ayos at ready na ang almusal"sabi ni mama na nagwawalis sa aking kwarto.
Kaya pala nakabukas ang bintana at pumasok ang sinag ng araw na nakagising sakin.

Ginusot-gusot ko muna ang aking mata at sinanay ang aking mata sa liwanag at tuluyan ng bumangon sa pagkakahiga.

Kinuha ko ang aking tuwalya at pumunta sa comfort room.

Habang ako ay naliligo ay naiisip ko kung gaano ako kaswerte na maging parte ng ganitong kasayang pamilya.

Salamat dahil laging silang nandyan,even though i always fool myself that i am lonely.

Lumabas ako ng cr ng may malaking ngiti sa aking labi.

Nag-ayos na ako at dali-daling bumaba upang makisalo ng pagkain sa aking pamilya.

****

Habang kumakain ay nagsalita naman si Papa.

"Oh ada gamitin mo na ang bagong bike mo ngayon"sabi ni papa habang abala sa pagkain.

Nagliwanag naman ang aking mukha at sumilay naman ang  ngiti sa aking labi.

"Sige pa,ma,kuya.Una na ako"sabi ko ng matapos akong kumain.Tumayo na ako at kinuha ang aking gamit.

"Mag-ingat ka ha?pahabol naman na sabi ni papa.

"i will pa"i said then dumiretso na sa garahe at kinuha ang bagong linis na bike.Siguro ay nilinisan muna ni papa eto.

Isa itong kulay orange na bike at may lalagyan sa unahan at may sakayan na maliit sa likod.

Nilabas ko ang aking bike na hindi ko na itinatangging akin nga sa garahe at sumakay at inumpisahang mag-bike patungo sa DVU

Sana naman maging maganda ang araw ngayon para sakin.Hay.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ako sa DVU.Pinark ko na lang sa court ang bike kasi baka pagtripan nila to pag sa parking lot ko ito pinark.

Inayos ko muna ang aking mga gamit at dumeretso na sa room namin.

As usual,Ako lang na naman ulit ang tao sa room.Mabuti na lang at dinala ko yung headphone ko at cellphone kaya nagplay muna ako ng music habang nagbabasa.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay paisa-isa ng dumarating ang aking mga kaklase pati na rin ang 3rd Warning na pangisi ngisi
Sakin.
Ano na naman kayang ginawang kabulastugan ng mga ito?Binalewala ko na lang sila at patuloy na nagbasa hanggang sa dumating na si maam.

Tutok na tutok ako sa pag-aaral ng nagtawanan ang 3rd Warning na pinagba-bato na pala ang isa saking mga kaklase.Wala namang magawa ang teacher namin dahil sila ang main stockholders ng DVU kaya pinababayaan nya na lang.

Mabilis natapos ang mga subject namin.Hanggang sa Maglunch na.Pumunta naman na ako sa locker room at dumeretso sa locker ko.

Kinuha ko ang mga kailangan ko sa panghapon sa subhekto at dumeretso na sa canteen.

Mabuti na lang at may pinag-aabalahan ang mga studyante kaya naman di nila ako napansin.Dumeretso ako at nag-order ng pagkain ko at pumunta sa lamesa na lagi kong inuupuan.


Natapos akong kumain ng matiwasay dahil wala yung mga nangbu-bully except sa 3rd Warning na nakangisi mimsan saakin.Bwiset talaga ang dala ng mga ito sa buhay ko.

Umalis na ako at dumiretso ng library kung saan uunti lang ang tao may strict na teacher.Kumuha lang ako ng libro at nagbasa na lang.

Hayy.Sana ganito nalang ang buhay ko.Tahimik at Walang gulo .Hay.Sana nga

Nagtingin-tingin ako nang mga libro na pwede kong basahin.Ilang minuto pa lang nang may makita akong tao na nakahiga sa kasulok-sulukan ng library.

Nakalagay ang libro sa mukha nya kaya malamang ay natutulog yan.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.Sino kaya to?Dahil sa kuryosidad ko ay dahan dahan kong tinanggal ang libro na tumatakil sa kanyang mukha.

At sa kinamalas-malasan ko nga naman ay siya pa.

Tinignan ko ang kanyang mukha.Sa unang tingin ay masasabing may ipinagmamalaki nga ang lahi nitong lalaking to.Pero masungit naman.

Parang may kamukha sya at nakita ko na sya dati.Di ko lang alam kong saan.

Ilang minuto lang ay gumalaw sya at bumukas ang kanyang mata.Diretsyo ang mata nya sakin kaya napasigaw sya.

AHHHHHHHHHHHHHHH! Sigaw nya.Ano ba tong lalaking to ang ingay ingay parang babae makatili.

Anong ginagawa mo dito?tanong nya sakin nung naka move on na sya sa pag sigaw.

Syempre ano bang gagawin ko sa library di ba magbabasa!masungit kong sabi sa kanya habang naka upo parin.

Aish!Anong ginagawa mo sa tabi ko kanina?Tanong ni Sam.Oo si Sam nga.

Babangunin sana kita bawal kasi matulog dito.At sa kinamalas malas ko pa ay yung kinasusuklaman kong lalaki ang nakita ko dito.Pahina ng pahina kong sabi.

Ha?Anong sabi mo?takang tanong nya sa sinabi ko sa kanya.

Ah wala.Sabi ko Gwapo ka sana kung hindi ka bingi.!!!Sabi ko at tumayo para magpatuloy na kumuha ng libro.

Patuloy ako sa paglakad ng sumigaw sya.Salamat Ms.Nerd.Sabi ni Sam.Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya sakin bago umalis ng library.

Napahawak nalang ako sa bookshelve dahil doon.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.Parang nakipagkarera ako sa kabayo.

Bakit ganito?

---------

Want a update?😂
Call me.09123456789

Masyado!😁

Against His Gang(Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon