"Shaira ano ba?! Ang tagal mo naman ta-tanghaliin tayo niyan eh!" Hala ano ba yan kasi ba't ang bilis nila kumilos eh.
"I'm done mom!" Kinuha ko na yung bag ko and phone at tapos tumakbo na pababa ng hagdan.
"Let's go." We're going to batangas for a one week trip 'cause it's vacation and I deserve a break since I just graduated from highschool. I'm Shaira Niña Benitez, 16 and turning 17 on july and April pa lang naman. I'll be studying in Far Eastern University Manila.
I know that this will be a kind of boring ride since I'm with my fam and aminin man natin o hindi mas masaya talaga pag barkada ang kasama. I just wore my headset, played a music and clicked my twitter app. I started scrolling down my timeline and liked some tweets. Sana naman may wifi sa resort na pupuntahan namin kasi may game mamaya ang archers sa Filoil. JRU ata kalaban nila eh. Yep, mahilig ako manood ng basketball pero I'm not tibo ah haha sadyang mahilig lang ako manood ng basketball at volleyball plus I play volleyball too. Fan ako ng DLSU Green Archers pero not like die hard fan talaga ah haha let's say kilala ko lahat ng players and I follow them sa social media accounts pero hindi ako yung may fan account, stalker ganun. I don't know nga rin kung bakit sa FEU ako papasok eh haha. Actually, hindi talaga okay sa parents ko na sa manila ako mag-aral kasi tiga cavite kami pero gusto ko talaga sa manila eh. Tiis nga lang ako na magcommute araw-araw since hindi ako magd-dorm, tho marunong ako mag-drive pero wala pa akong eighteen eh so di pa pwede.
Grabe mga tulog sila jusko diba sinong matutuwa?
After three hours
We arrived here na sa resort. Tali beach resort and wow, ang ganda dito. I think I'll enjoy our stay here.
I decided to go for a walk since nagpapahinga pa naman sila ang mukhang mamaya nila balak bumangon. I took pictures pang instagram kasi ang aesthetic ng lugar. Edit ko to mamaya sa VSCO hahaha
Finally my fam decided to eat na. We actually left the house at 5:00 am and we arrived here ng mga 8:13 siguro? Kasama namin ang parents ko, kuya at mas bata kong kapatid na lalaki, dalawang pinsan ko at parents nila. If you're wondering kung bakit boring yung ride kanina papunta dito dahil yun sa hindi naman kami close ng kuya ko.
He's Jacob, 19 and sa La Salle siya nag-aaral. Naka-condo yan and ayaw niya kong kasama, ayaw niyang pumayag na tumira ako kasama siya. Siyempre masakit sa part ko na ganun tapos minsan nagkakasalubong kami sa mall wala siyang pake sakin, parang hindi niya ako kilala. Hindi ko alam kung bakit ganun siya. Close naman siya sa baby bro namin. He's 5 years old.
Wala naman din akong magagawa kung ayaw ni kuya sakin eh but I'm trying my best. Minsan lalapitan ko siya at kakausapin kahit ang tipid niya sumagot. Close sila nung isa kong pinsan na si Jericho. Ka-edad ko siya tapos yung kambal naman niya na si Nicole and ka-close ko. They're both 16 din.
"Shaira, tara kain ka na," pang-aalok ni Nicole.
"Ah sige." Tahimik talaga ako and hindi pala salita pag gantong kami-kaming magkakamag-anak ang magkasama. Silang matatanda lang ang nag-uusap tapos si Kuya Jacob at Jericho naman about basketball topic. Kami ni Nicole naman tahimik lang.
Pagtapos kumain nagpalit na kami ng pang-swimming. Magkasama kami ni Nicole sa kwarto tapos si Kuya at Jericho then Yung parents namin may sariling kwarto rin.
Si mommy bumili ng swimsuit ko and I have no choice but to wear it. It's a triangl na mint green. I just wore shorts kasi masyadong showy tong bottom part and ayoko naman nun. Okay lang kay Daddy na nagsusuot ako ng two-piece kasi daw normal naman yun sa babae.
Si Nicole naman naka plain back na two-piece tapos naka short din siya.
Hindi kami kasama dun sa mga bilang ng babaeng dalawa likod hahaha may pwet din kami. Nagt-training kasi kami sa volleyball nung highschool dahil varsity kami. Si Nicole sa CEU yan mag-aaral kaya hiwalay kami."Naks sexy pa rin! Mas sexy pa kesa last summer ah!" Baliw talaga to si Nicole.
"Hahaha baliw ka eh mas sexy ka nga sakin. Nice boobs." Tumawa kaming dalawa. Ganyan talaga kami mag lokohan HAHAHA
Nag snapchat lang kami ni Nicole bago lumabas. Sa harap ng room namin may parang terrace so nag picture muna kami doon hahaha pang icon sa twitter at ig.
Ang ganda ng shots omg!
"Ang taray naman dis gurl pwede na mag photographer!"
"Sus maliit na bagay," sagot niya. Nagtawanan lang kami at bumaba na. Si nicole matangkad ng mga 2 inches sakin. 5'8 height ko eh. Hindi kami maputi, hindi rin maitim pero ako kasi medyo singkit kasi may lahing chinese mom ko. Si kuya 5'11 height niya tapos si Jericho 5'9 siguro?
Pagbaba namin nandun na silang lahat sa may beach side.
"Bilisan niyo mag picture tayo!" Tinawag na kami ni Tita Jella, nanay nila nicole.
After mag picture umupo muna kami ni nicole sa may buhangin pero natatamaan pa rin ng alon and nag selfie lang kami nang nag selfie.
"Hoy Nicole ba't ganyan suot mo?" Lumapit samin si Kuya at Jericho.
"Bakit may batas na bawal?" Baliw talaga tong si Nicole.
"Oo batas ko. Kita niyong madaming tao tapos nag ganyan pa kayo?"
"Hoy Niña ikaw din!" Yan lang talaga ang medyo okay kay kuya. May pake siya pag ganito. Ayaw niyang nababastos kami ni Nicole. Kahit hindi naman kami close nyan love ko yan eh hehe
"ah pinasuot kasi to ni mommy eh." Di na sila nagsalita pa at tumabi nalang samin.
"Guys selfie!" Ganto yung pwesto namin
Kuya, Jericho, ako, Nicole
"Ayan may picture naman tayong apat! Lagi kaming wala eh."
The day ended pretty well and now nandito kami sa kwarto. Dalawa yung bed kaya hindi kami magkatabi ni Nicole. Nagf-facebook lang ako nang may nag-tag sakin.
Jacob Benitez tagged you and 2 others in a post.
Wow naman si kuya! I checked the post and yun yung picture naming apat kanina.
"Nicole, sinend mo kay kuya yung picture?" Tanong ko.
"Oo nagulat nga ako pinost eh. Improving na si Kuya Jacob ah."
Ni-like ko lang yung post tapos tinignan yung mga comments (by the way Reyes sila Nicole at Jericho kasi yung Dad ko at Mom nila ang magkapatid)
Ang famous talaga ng kuya ko hahaha 95 likes in 5 minutes grabe.
After liking and checking the picture that kuya posted I decided to sleep na rin since pagod ako.
---------------
Hi! Sana po magustuhan niyo to!
Dito kunwari April pa lang nag-start na filoil and walang senior high school dito HAHAHAHA