I forgot to say na my birthday passed last july kasi you know, august na nga pala. I am now 17 and wala naman kasi di ako nag celebrate. I really dont like setting up big parties kasi hassle mag plan. Maybe pag nag 18 nalang siguro ako.
Today is our planned lunch ni ricci and I am just waiting for my class to be finished tapos lalabas na ko sa building. Napagusapan namin na hintayin nalang nya ko sa Gate 4. I told him na mahirap maghanap ng mapa-parkan sa FEU kaya di na sya nagdala ng sasakyan. Nag-jjeep naman daw sya so no problem.
Our class is done na and right now naglalakad na ko papunta sa gate 4.
"Uy shai! San ka punta?" Si Dan. Classmate ko to sa isang subject and kasama ko din sa cadets.
"Ah sa labas. Mag lu-lunch lang."
"Oh sino kasama mo? Asan sila Ella?'' Madalas kasi kaming tatlo yung magkakasama but I told Danica and Ella na may kasama akong mag-lunch sa labas today so di ako sasabay.
"Ah pupunta kasi kaibigan ko kaya sinabihan ko sila Ella na di ako sasabay."
"Ah sige. Una na ako." Sa foodcourt sa main lang naman kami lagi napunta pag gantong lunch eh kasi mainit kaya nakakatamad na lumakad-lakad sa labas.
Bago pa ko makalabas sa gate kita ko na si ricci na nakatayo sa tapat. Grabe bakit ba ang pogi ng lalaking to? Pinagtitinginan na siya ng mga studyante. Malamang nakikilala siya ng mga to lalo na ng mga senior high. Di ako naabutan ng senior high kasi I already took the exam for college nung na approve yun kaya di kami kasama.
"Uy hala si ricci yan diba?"
"Girl si ricci!"
"Pre si rivero oh."
"Hala sino naman pinupuntahan nyan dito?"Naka blue shirt at white shorts sya.
I just texted him to walk away a bit from the exit kasi pinaguusapan na sya and para iwas issue na rin.
Naglakad na ko palabas ng gate 4 and I saw him sa left side. I walked towards him.
"Ricci."
"U-uy hi! A-ano tara? Kain na tayo?" Uhh weird pero bakit kinikilig ako ohmyGod seryoso ba to
"Ah yes tara na." Nagpunta kami sa pedestrian lane para makatawid and makapunta sa bonchon.
Nag-uusap lang kami about random things while waiting for our order nang
"Uhm may nanliligaw ba sayo?"
"Wala naman hahaha bawal pa kasi and kahit sabihin na they'll talk to my dad nako I don't think na papayagan sila." Yes, bawal and naki mahigpit sila sa ganyan. Kaya nga di ako maka-gala pag nasa pilipinas si daddy.
"Ta-talaga? Ang bait mo naman na anak haha yung iba kasi diba patago?"
"Alam mo naisip ko din yan eh pero kasi syempre di pa ko nakakakilala ng taong worth-it para suwayin ko sila. Maybe if talagang mahal ko or what magagawa ko yun."
Nag-kwentuhan lang kami nang nag-kwentuhan hanggang sa kailangan ko na bumalik sa campus.
"Cci, i have to go ah. May class pa kasi ako."
"Ah sige hatid na kita." Hinatid nya ako hangganh sa may gate 4 kasi wala syang visitor's pass kaya di siya makakapasok.
"Thank you for the treat Ricci. I owe you one!"
"No problem. Next time ulit and visit ka lang sa razon anytime." Nag-beso lang kami and he left na.
Shet my heart. Ohmy don't fall too soon please, mahirap abutin si ricci tsaka kaibigan yan ni kuya.
Pero tila hindi marunong makinig ang puso...