Chapter Three

16 0 0
                                    

Kyla's POV

Nandito na ako sa school sobrang daming estudyante may mga bagong mukha. Mukhang madaming transferee ngayon. Naglalakad lakad ako para hanapin si Erica ang aking Bff. Biglang nagvibrate ang phone ko.

From: Sissy 👯
Sissy! Nandito ako sa cafeteria nagutom kasi ako bigla, bumili akong sandwich punta ka dito binili din kita. See you! Mwah

To: Sissy 👯
Papunta na'ko

Ano ba 'tong babaeng to, di kaya to nagbreakfast sa kanila. At dumiretso na nga ako sa cafeteria. Hays nakalimutan ko kung saan siya banda nakapwesto ang laki pa naman netong cafeteria. Napatingin ako sa dulong table ng biglang may nagtaas ng kamay. At shoot! Si Erica nga . Sa lahat ba naman ng table eh bakit sa dulo pa ang dami daming table dito dun niya pa napili. At dumiretso na ako sa kanya..

"Hi sissy! Goodmorning, bakit agang aga nakasimangot ka? Anong nangyare? Oh sandwich mo." Sabi niya sabay abot sakin ng sandwich.

"Di naman ako nakasimangot ah?" Sabi ko sabay kuha ng tinapay sa kanya at kinagatan ito.

"Ako pa niloko mo sis, wag ako! Spill it!"

"Eh kasi sissy, tinatamad pa akong pumasok. Di pa naman regular class ngayon for sure. Kaya dapat di nalang muna ako pumasok." Sabi ko habang kumakain

"Talaga bang yun ang dahilan? Baka kasi makita mo siya bigla. Kasi di ka pa talaga nakakamove on sa kanya. At baka kapag nakita mo siya bumalik na naman yung mga memories. Sa tingin ko eto talaga ang dahilan" sabi niya habang tinitignan ako.

Siguro nga tama si Sissy, di pa nga ako ready na makita ulit siya di ko alam ang gagawin ko. Hindi pa ba talaga ako nakakamove on? It's been a year na bakit ganito pa din?

"Oy Sis! Natulala kana diyan? Tara na sa room baka nandun na yung prof natin, 5mins nalang bago mag time" sabay tayo niya at sumunod naman ako.

Pagkadating namin sa room wala pa yung prof. buti nalang hays. Humanap agad kami ng bankanteng upuan ni Erica at nakakita kami malapit sa bintana . Buti nalang! eto ata ang favorite place ko. Ang malapit sa bintana. Habang nag aantay ng prof. nagsoundtrip muna ako at inilabas ko ang ipod ko.

You where just ...

A dream that I .....

Once knew I never ....

Thought I would ....

Be right for you... 🎶

Psh. Ano ba naman nananadya ba talaga 'to kabadtrip eh. Pinatay ko na yung ipod ko sakto naman yung dating ng prof. namin

"Okay class I'm Ms. Allyah Del Valle and I'm your professor in your HR 21 . " sabi ni Ma'am Allyah habang nagdidistribute ng mga classcards

"Ma'am Allyah ilang taon na po kayo?" Sabi nung kaklase kong lalaki

"May boyfriend na kayo Ma'am?" Tanong naman nung lalaki kong kaklase na medyo chubby.

"Kayo talagang mga HRM student. I'm 26 yrs.old at may boyfriend." sabi ni ma'am ng nakangiti

"See guys? Huh. Back off! Feeling 'tong mga 'to." Sabi ni Erica dun sa dalawa naming kaklase. Hinila ko naman agad siya paupo at baka mapasama pa. Ang hilig talaga nito makisabat. Kaya minsan napapaaway 'to at ako pa ang taga awat.

Lunch! Yehey may favorite subject Haha, grabe sobrang gutom ako ngayon nagccrave ako sa adobo my favorite. Kaya naman agad kong hinila si Erica sa kaniyang upuan at duniretso kami sa Canteen.

"Sis dahan dahan naman gutom na gutom lang? Grabe to makahila parang malalagas na buto ko!"

"Sorry na nagccrave na ako sa adobo eh. Libre nalang kita ng lunch pambawi" sabi ko sabay peace sign

"Yan ang gusto ko sayo. Magpapahila nalang ako sayo lagi para libre lagi lunch ko" sabi niya habang nakapila kami

"Abusada ka! Next week ikaw naman manlilibre sissy! Ngayon lang 'to" sabi ko sabay order ng pagkain naming dalawa

Naghanap kami ng bakanteng table, at kapag minamalas ka nga naman sa dulo na naman kami ulit mauupo. Alam niyo kung bakit ayaw na ayaw ko dito sa pwesto na'to? Eh kasi naman kahit na dulong dulo na'to ang harap pa din ay ang entrance dito sa cafeteria. Ayokong makita yung nga dumadaan. Baka makita ko siya.

"Hoy ano? Tutulala ka na lang diyan? Kumain kana, akala ko ba nagccrave ka diyan." Eto talaga minsan di ko maintindihan minsan babaeng babae minsan parang tomboy. Minsan ang balahura katulad nalang ngayon, nagsasalita puno ang bibig. Haynako sisssy! Pano ba kita naging bestfriend.

At kumain na nga ako. Para makaalis na din kami dito sa cafeteria.

You and Me Forever ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon