Chapter 10

10 0 0
                                    

Maya maya lang, nagtext na din si Reel. Sabi na eh hindi rin pwede 'tong isang to. Hays.

Bumaba na ako sa salas at nakita ko si franco na nanonood ng movie.

"Anong pinapanood mo?" Tanong sabay upo sa tabi nito.

"Batman kuya." Sagot naman niya

Hmm' mag movie marathon nalang kami wala naman akong gagawin ngayon eh. Ahahaha tama! Galing mo talaga John.

"Movie marathon tayo franc? Gusto mo?" Tanong ko dito.

"Sige kuya! Dun nalang tayo sa kwarto ko" sabi niya.

"Sige, magdinner na muna tayo. Maglinis ka muna ng katawan mo ah?"

"Okay kuya." Sabi niya at umakyat na sa kwarto niya.

Nagpunta na akong kusina para maghain. Biglang dumating si Ate.

"John alis na'ko ngayon ah? Maaga pala yung flight namin. Dun na ako makikitulog sa kaibigan ko." Sabi ni Ate, mukhang ready na nga sya laki ng dala niyang bag tapos may maleta pa

"Dami mo namann dala ate, hindi kana ba uuwi?" Biro ko dito. Hahaha

"Pwede, haahah joke! Sige na, sabihin mo nalang kay Franc ah? Bantayan mo yun." Sabi niya

"Oo na, wag mong kalimutan pasalubong namin. Tara na hatid na kita sa labas" kinuha ko yung bag niya.

"Thankyou John! Ingat kayo ah?" Sabi niya tsaka yumakap sakin.

"Ikaw din! Sige na." Sumakay na sya sa kotse niya tsaka umalis. Pumasok na ako sa bahay sakto pababa na si Franco. Pumunta na kami sa kusina tsaka nagsimulang kumain.

Kwarto ni franco...

"Franco, hind ka ba marunong magligpit ng mga gamit mo? Ang kalat oh." Sabi ko habang pinupulot yung ibang mga leggo niya.

"Eh sorry na kuya, aayusin ko din yan tabi mo nalang dyan sa gilid." Sabi niya at nagpalit na nang pj's niya. Ako naman inaayos ko yung DvD.

"Anong papanoodin natin kuya?" Tanong niya.

"Ano bang maganda? Captain America o Spiderman?" Tanong ko din dito habang nakataas yung dalawang Cd's.

"Captain America!! Captain America!!" Sigaw nito ng paulit ulit.

"Okay, dun tayos sa spiderman HA HA HA! " sabi ko dito, akala mo ha' hmmm.

"Daya ni kuya! Sige na play mo na yan, teka dito ka matutulog kuya?"

"Hmm, nope after ng movie punta na din ako sa kwarto. " sagot ko naman dito at pinlay na yung movie.

"Ah okay. Asan si Ate?"

"Ah nga pla, buti tinanong mo kanina umalis siya, mga 1 week sigurong mawawala yun aalis daw sila nung mga kaibigan niya eh." Sabi ko dito habang nanonood.

"Ooh, daya' sige basta pasalubong ko dun hehehe." Sabi niya at nanood na din.

After 1hr..

Tapos na yun movie, tulog na tulog na 'tong isang to hahaha! Inayos on na yung kama niya at lumabas na din ako.

May pasok pa nga pala bukas, pero hindi pa din ako inaantok. Nandito na ako sa kwarto nakita ko yung laptop ko, makapag log in nga muna .

You and Me Forever ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon