Chapter 9

16 0 0
                                    


John's POV

Wala na akong masabi. Hindi ko naman kasi alam na ngayon kami magkakausap ng ganito eh. Isip muna ako ng sasabihin haha, busy naman siya sa phone niya. Baka may katext? Haha
Habang nag iisip ako may narinig ako sa may bintana para may kumakaluskos, di napansin  ni Kyla kasi busy nga sa phone. Nung napatingin ako sa bintana nakita ko silang lahat don. -.- yep! Lahat sila akala ko ba magsisi alisan sila. Kahit sila Reel na nonood ng tv eh nandon na din pala. Nagsalita na ako.

"Pwede ba tayo mag usap?" Tanong ko dito. Medyo nagulat pa siya nung nagsalita ako. Hehe

"Nag uusap na tayo ah?" Sabi niya. Aba aba' busy nga siya sa Phone niya :(

"Sa labas, saan mo gusto?" Sabi ko dito sabay tingin sa bintana. Napatingin din siya dito at sabay sabay nag sialisan yung mga asungot.

"Sige, sa MCDO nalang. Para malapit lang din dito sa school." Sabi niya at nauna ng lumabas.

Lumabas na din ako at nilock yung pinto. May mga susi naman sila eh. Wala na yung mga loko. Bilis kumilos ah hahaha!

Dumiretso na kami sa Parking lot, medyo nagulat pa siya kasi akala niya siguro commute lang kami. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

Tahimik lang kami sa byahe hanggang makarating kami sa MCDO. Nauna na siyang bumaba, pagbubuksan ko pa eh. -.-" pumasok na kami sa loob.

"Ako na oorder, hanap kana ng upuan." Sabi ko dito.

"Sigesige." Sagot naman niya at nag hanap na ng bakanteng pwesto

Mga 5mins pa bago ako nakaorder medyo madaming tao eh. Pagkatapos ko dumiretso na ako sa pwesto namin. Kumain na kami, maya maya lang bigla siyang nagsalita akala ko pipi na'to. Joke haha

"Kamusta ka naman?" Tanong nito.

"Ah okay lang?" Sagot ko. Kakakamusta niya lang sakin kanina ah

"I mean, ngayon? Okay kana ba?" Ahh yun pala.

"Yup! Ayos naman ako :)" sagot ko sabay ngiti hehe

"Good. May Girlfriend kana?" Tanong niya sabay subo ng fries.

"Uhm, wala eh." Sabi ko sabay kamot sa batok. Ikaw pa din kasi talaga >_>

"Oooh, I see. Bakit ayaw mo pang galawin yang pagkain mo?" Natatawa niyang tanong. Hala?! Ano ba yan oo nga di ko pa nababawasan yung pagkain ko 😅 nasisiyahan pa akong tignan siya eh. Shhhh!

"Ah- eh' oo nga" sabi ko naman sabay kain na hahahaha

Matatapos na siyang kumain, ako naman yung nagtanong sa kanya.

"Eh ikaw?" Tanong ko

"Anong ako?" Hala bigla bigla ka namman kasi nagsasalita john!

"Ah! Haha ibig kong sabihin ikaw ba may Boyfriend kana?" Tanong ko dito. Medyo nasamid siya. Luh? Inabutan ko agad ng inumin.

"Ah, wala eh." Tipid niyang sagot! Yes! Hahaha

" bakit?" Bigla kong natanong. Nagulat siya don sa follow up question ko 😂 medyo natagalan pa siyang sumagot.

"Sige wag mo ng sagutin hehe" sabi ko dito. Nginitian niya lang ako.

-

You and Me Forever ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon