Nandito na kami sa loob ng library, nasa harap ko nakaupo yung dalawa habang nag ce-cellphone. Ako naman eto nag hahanap ng mga sagot para dun sa activity namin after lunch.
Habang naghahanap ako bigla nalang mat tumamang bilog na papel, hindi ko 'to pinansin nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa sa book. Pero ayaw pa din tumigil tinignan ko naman si Reel pero busy sa phone niya, kaya kahit ayokong gawin tinignan ko si Johnn at ayun nga nakangiti pa ang loko.. hayyy nako
"Masyado ka kasing busy dyan, hindi ka pa ba nagugutom? Mag 12:30 na oh?" Sabi niya sabay tingin sa relo niya. Mahigit 1hr na pala kaming nandito kaya pala kumukulo na tyan ko hahaha
"Gutom na ba kayo? Matatapos na'ko konti nalang 'to." Sagot ko tatlong questions nalang yung sasagutan ko mabilis nalang to.
Hindi sumagot si John kundi lumipat sya sa tabi ko at inagaw sakin yung libro at yung notebook ko.
"Uy anong ginagawa mo?" Tanong ko
"Edi ano pa tutulungan na kita dyan, para mabilis." Sabi niya sabay ngiti.. ngingiti pa e nako po... *_+
Hindi ko nalang sya pinigilan hahaha napapagod na din ako kakahanap e tsaka gutom na akooo hahaha. Tinignan ko nalang yung ginagawa niya kung tama habang si Reel busy pa din sa phone niyaa di ko nga alam kubg ano ginagawa niya e nakatutok ba naman samin yung phone parang pinipicturan kami?
"Woy Reel anong ginagawa mo?" Tanong ko dito, nagulat naman 'to muntik pang mabitawan yung phone
"Ha? a..ahh wala naman bakit?" Tanong niya at binaba na niya yung phone
"Wala lang." sagot ko dito
"Okay tapos na!" Biglang sabi ni John at nag inat. Napatingin dito sa side namin yung librarian kaya mabilis na nagtakio ng bibig si John hahaha
"Wow pare' ikaw na!" Sabi ni Reel, ako naman speechless hahaha siya pa yung nag ayos na gamit ko.
"Ako na dyan, thankyou!" Sabi ko naman at kinuha ko na yung mga gamit ko.
"Tara na?" Tanong niya, tumango nalang ako at tumayo ganun din si Reel. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria walang nag iimikan saming tatlo para kaming mga ewan HAHAHA
"Kyla!" May biglang sumigaw sa likuran namin, napatingin naman ako dito pati yung dalawa at nakita ko si James tumatakbo papalapit samin.
"Oh james? San punta mo?" Tanong ko naman dito
"Papuntang cafeteriamaglalunch. Kayo ba?" Tanong niya tsaka tumngin sa dalawakong kasama.
"Doon din, tara sabay kana?" Yaya ko naman sa kanya, mukhang ayaw pa niya pero di siya pwede tumanggi sakin hahaha.
"Tara na kasi. Para madami tayo :) " sabi ko, tinignan ko yung dalawa kaya sumagot si Reel at niyayaya na din
"Oo nga tol, sama kana samin para naman makilala ka na namin kaklase ka namin diba?" Sabi naman ni Reel
"Oo tol, sige sabay na ako. Salamat ah." Sagot ni James naglakad na kami, busy na silang dalawa magkwentuhan close agad? Bilis naman hahaha kami naman ni John walang imikan parang mag kaaway HAHA
Nakadating na kami sa cafeteria naghanap muna kami ng mauupuan, si Reel at James na yung umorder ng pagkain.
"Kakilala mo si James?" Nagulat naman ako ng biglang magsalita si John, wala naman syang ibang kasama dahil kami lang naiwan dito.
"Yup, kapitbahay namin sya neto ko lang din sya nakilala eh. Bakit mo natanong?" Sabi ko dito..
"Ah wala naman." Sagot sya at tumingin nalang sa mga tao dito sa loob ng cafeteria