Erica's POV pa din po itoooo 😉
Nandito ako sa sala's at nanonood ng movie ewan ko kung ano 'to basta ko nalang nilagay tinatamad akong maghanap e haha! Habang nanonood ako biglang tumunog phone ko.
1 message recieved! Oh sino naman kaya 'to? Binuksan ko yung message at binasa ...
From: Mama 💞
Rica, baka di kami makauwi dyan mamayang gabi. Dumating kasi yung mga kapatid ni Papa mo. Ayaw na kaming pauwiin bukas na daw at mag iinuman pa daw sila. Diyan mo nalang patulugin si Kyla. Di rin kasi uuwi kuya mo nag paalam aalis sila ng mga kabarkada niya, overnight dun sa bahay ng kaibigan niya.Hayy. Buti nalang. Kanina ko pa iniisip kung makakauwi ba sila Mama eh. Buti nalang! Nireplayan ko na agad si Mama
To: Mama 💞
Sige po Ma, ingat po kayo dyan. Si papa wag niyo masyado painumin. Magtext kanalang po kung anong oras kayo uuwi bukas. Love you Ma!
Sent!
Yun oh! Solo namin ni sis 'tong bahay! Hahaha lets party peopleeee! 😆
Umakyat ako sa kwarto para tignan kung gising na si Sis at masabi ko na ang magandang balita. BwahahhaPagkapasok ko, >___>"
Ayun tulog na tulog pa din. Ano ba to? Laging puyat. Hahaha nako anong oras na ba napatingin ako sa wall clock 4:30?!?!! Grabe hapon na baka hinahanap na si Sis sa kanila gisingin ko na at ng makauwi na para maipaalam ko na din kay Mommy 😁
"Sis?" Tapik ko sa mukha niya pero mahina lang naman haha
"Hmm"
"Gising na 4:30 na baka hinahanap kna sa inyo" sabi ko at niyuyugyog na. Aba ayaw pa imulat ang mata.
"Maaga pa" sabi niya habang nakapikit pa din
"HOY ANONG MAAGA KA DYAN HAPON NA. BUMANGON KANA DYAN AT BAKA HINAHANAP KA NA NI MOMMY!! IPAGPAPAALAM PA KITA NA DITO KA MATULOG KASI HINDI UUWI SILA MAMA!!" Sigaw ko sa kanya. Grabe walang preno ! Hiningal ako dun. Effective naman dahil gising na gising na si Sis!
" grabe ka sis hindi naman kailangan sumigaw di ako bingi! Ingay neto di na nahiya sa kapitbahay aba, eto na tatayo na." sabi niya sabay tayo at dumiretso sa banyo.
"Bilisan mo, solo natin 'tong buong bahay magdamag woooh!" Sabi ko habang nagtatatalon sa kama. Wala e masaya lang haha
Pagkalabas ni Sis sa banyo umalis na din kami ng bahay para pumunta sa kanila tsaka ipagpapaalam ko na siiya kay Mommy!
"Bakit hindi uuwi sila Mama mo?" Tanong ni sis habang naglalakad kami papunta sa kanila.
"Umuwi daw yung mga kapatid ni Papa, mag cecelebrate pa yung mga yon. Minsan lang magkasama sama eh" sagot ko naman
"Ah okay, eh si Kuya mo?"
"Ayun mag overnight daw sa bahay nung kaibigan" sagot ko ulit. At pumasok na kami sa bahay nila.
"Mommyyyyy!!!" Tawag ni sis sa Lola Mommy niya.
"Ate ano ba ang ingay!" Hala nandito na pala 'tong dalawa na'to. Sarap buhay aba hahaha
"Nasan si Mommy? Ayos ah! Sarap ng buhay niyo dyan. Penge naman!" Sabi ni Sis kay Charles, pano ba naman kasi nakabukas yung TV nagcecellphone naman tapos may pagkain pa. Kumuha na din ako hehe kagutom kaya.
"Nasa kusina ate, nagluluto." Sagot ni Bads habang nakatingin pa din sa phone niya
"Tara dun sis! Dito kana magdinner tapos tsaka nalang tayo pumunta sa inyo after." Sabi niya sakin sabay hila.