Chapter Six

22 0 0
                                    

John's POV

Nandito na'ko sa bahay namin, dumiretso na ako agad ako sa kwarto ko. Humarap agad ako sa laptop ko, ichecheck ko kung inAccept na ba ako ni Kyla, sana naman inAccept na niya ako. 

Loading....

Loading......

Loading .......

Tagal naman nito, pero sige na hintayin ko lang hahaha!

Maya maya may notification akong natanggap tinignan ko agad 'to

*Kyla Marquez accepted your friend request*

Yes! InAccept niya ko, pinuntahan ko agad wall niya stalk muna ng konti hehe, imemessage ko at mag tthankyou ako kaso 30mins ago. Di bale na imemessage ko pa din. Hehehe

After kong imessage nag out na'ko at nagpalit muna ng damit. Bumaba muna ako saglit at nakita ko si Franco mag isang nanonood sa sala tinabihan ko ito.

"Nandyan ka na pala kuya, di kita nakitang pumasok dito." Sabi niya habang sa tv pa din nakatingin. Di ko nalang sinagot at nanood nalang din ako.

Habang nanonood kami biglang nagvibrate phone ko. Nagtext pala si Cj.

From: Cj

Bro' otw na kami dyan  ni Reel dyan kami makikitulog.

To: Cj

Basta na kayo. Haha sige ingat kayo! Hintayin ko kayo.

Talaga yung dalawang yun basta na makapagplano. Hahaha umalis na ako sa sala matatapos na din naman yung pinapanood namin at dumiretso na ako sa kwarto, ligpitin ko yung mga kalat hahaha. Nakakahiya naman sa kanila kahit sanay na silang makita yung kwarto ko na makalat.

Pagkatapos ng ilang minuto natapos ko na din ang pag liligpit. Hays kapagod haha
Maya maya lang nakarinig na ako ng ingay sa baba. Nako' nandito na yung dalawang yon.

Nakita ko sila sa sala nila Franco, ang daming dalang pagkain. Si Franco di ako pinansin busy sa kakakain hahaha.

"Pasensya na kung biglaan punta namin, bored kasi ako tapos tinext ko si Cj. Kaya ayon napag isipan namin na bulabugin ka dito hahaha!" Sabi ni Reel

" Ayos lang yun. Haha bakit ang dami niyo namang dalang pagkain." Tanong ko habang tinitignan isa isa yung mga dala nila

"Syempre overnight, puyatan tayo hahaha! Buti nalang walang pasok bukas." Sabi ni cj

"Kaya nga tapos movie marathon tayo may mga dala din kaming CD's" sabi naman ni Reel

Ready talaga sila para dito ah, hahaha buti nalang talaga walang pasok bukas

"Kuya sama ko sa inyo nood din ako" sabi ni franco na kumakain pa rin

"Nope, may pasok ka bukas kaya di pwede. Magagalit pati si Daddy." Sabi ko kay Franco

"Okay, pasok na'ko sa kwarto" sabi niya at kumuha pa ng pagkain. Talaga yun hahaha at nag thankyou sa dalawa.

Iniligpit muna namin yung mga kalat dito sa sala tsaka kami umakyat sa kwarto ko. Niready na ni Cj yung papanoodin namin at niready na din ni Reel yung mga pagkain.

Habang ako eh naglog in sa facebook. Tinitignan kung online si Kyla kaso hindi eh.

"Oyy oyy! Ano yan John ah!?" Nagulat ako biglang sulpot nito ni Reel. Sinara ko naman agad laptop ko. Kalalaking tao tsismoso

You and Me Forever ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon