John's POV
Lunch na nandito pa din kami sa tambayan namin at nag ssoundtrip. Ng biglang dumating si Reel kasama si Cristal girlfriend niya. Di ko talaga akalain na magiging girlfriend niya si Cristal dahil nung una imposible talaga hahaha.
"Oh reel san kayo galing?" Tanong ni Cj
"Sinundo ko lang si Cristal sa room nila para kasabay na natin siya mag lunch." Sagot naman niya habang nakatingin sakin
"Ah sige tara na sa cafeteria" sabi ko at dumiretso na sa may pinto
Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ang daming nagtitinginan samin ay, mali kay Cj pala haha. Etong mokong kasi na'to napaka hearthrob ewan ko ba dito hanggang ngayon wala pa ding nagiging girlfriend hindi naman siya bakla.
"Oy Cj pansinin mo naman yung mga girls oh!" Sabi ni Cristal na tumatawa pa.
"Oo nga naman, batiin mo" sabi naman ni Reel.
"Tigilan niyo na nga 'tong si Cj wala pa yan sa isip niya." Sabi ko habang tumatawa
"Alam niyo gutom lang yan. Kaya bilisan na natin lumakad" sagot naman niya at nagmadali ng maglakad
At nakadating na nga kami sa cafeteria naghanap muna kami ng bakanteng upuan at ayun! Malapit sa pintuan nalang ang bakante kaya nagpunta na kami dito. Si Reel at Cristal nalang daw ang mag oorder ng lunch namin.
"John? Kamusta kana nga pala." Biglang tanong ni Cj. Aba loko ata ito' magkakasama na kami lagi tanungin pa daw ba ako ng kamusta haha
"Bro' ano ba namang tanong yan? Lagi lagi na tayong magkasama ah tapos tatanungin mo ko ng ganyan?" Sabi ko habang inaayos yung gamit ko.
"Hindi, ibig ko kasing sabihin yang puso mo. Nakakabading man pakinggan pero yun yon. Hahaha! Nakamove on na ba? " matawa tawa niyang sabi . Pero bigla akong napaisip sa tanong niya. Nakamove on na nga ba ako? Hindi eh, lagi ko pa din siyang naiisip. Kamusta na ba siya. Gusto ko na siyang makita.. at para malaman ko na kung bakit nag kaganito pero kailan? Kailan ko siya makikita. Oo nandito nga kami sa iisang school. Pero bakit ganon parang ang layo layo hays.
Bago ko pa sagutin yung tanong ni Cj dumating na bigla sila Reel at kumain na muna kami."Saan nga pala next subject mo Cristal?" Tanong ni Reel
"Dun sa building B. Sa HRM building why?"
Tanong ni cristal ng hindi tinitignan si Reel"Hatid ka na namin after nito" sabi niya
" Bakit kasama pa kami ni Cj pwede namang kayo nalang ah." Sabi ko
"John hayaan na natin samahan na nating 'tong kaibigan natin" sabi naman ni Cj
"Hala? Di naman na kasi kailangan ihatid ba ako dun. Hehe siguro may pinopormahan kayo don ano?" Pang aasar ni Cristal
"Ooopss! Ako wala ah? Alam niyo naman ako " tanggi agad ni Cj
"Mas lalo naman ako no! " sabi ko
" Weeeeh?? Di nga!" Sabay sabay silang tatlo hahaha alam ko na'tong mga pakulo na'to e. Wala na akong magagawa kailangan ko ng sumama talaga.
Sana naman makita kita..
Kyla's POV
Pagkatapos namin kumain ni Erica nagyaya muna ako mag Cr. Hindi naman sa tinatawag ako ng kalikasan gusto ko lang makita itsura ko nakakahaggard ngayon kahit wala pa masyadong ginagawa, sabayan pa ng init.
"Grabe sis tignan mo ang oily ng face ko! Sobrang init hays!" Sabi ni erica habang naghihilamos. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin. Medyo oily na din mukha ko kasi naman bakit nakalimutan ko pang magdala ng panyo. Naghilamos na din ako at nag ayos ng sarili.